Scarlet Snow Belo isinapubliko ang ambisyong maging pangulo

Image by Scarlet Snow Belo via Facebook
  • Scarlet Snow Belo, inihayag ang planong maging pangulo ng Pilipinas
  • Nangako siyang gagawin niyang mas maayos ang mundo para sa mga mamamayan
  • Suportado ito ng kanyang mommy na si Dra. Vicki Belo

Inihayag ng sikat na celebrity baby na si Scarlet Snow Belo ang kanyang ambisyong maging pangulo ng bansang Pilipinas sa takdang panahon; kasama nito ang pangakong gagawin niyang mas maayos ang mundo para sa mga mamamayan.

Image capture by Instagram post of Scarlet Snow Belo

Sa kanyang Instagram account, makikita ang larawan ni Scarlet na nakatingin sa malayo at medyo nakataas ang kanyang mukha. Kapsyon niya rito, “When I become President I promise I will make this world better for other people.”

Dahil sa kasikatang tinatamasa ng celebrity baby ay agad nag-trending ang pahayag niyang ito. Isa kasi si Scarlet sa mga pinakasinusundang anak ng celebrity sa social media kaya’t palaging updated ang mga netizens sa mga nangyayari sa buhay nito.

Komento dito ng ilang tagahanga, tiyak na matutupad ito lalo pa’t nakikita nila ang katalinuhan at kagalingan nito at nawa’y patuloy siyang magdala ng positivity sa masa.

“You can be, with your smart and intelligence, you can be the youngest president in the world,” sabi ng isa.

Pahayag naman ng isa pa, “Yes baby girl, one day, and when you will be President you’ll be a good one.”

Image by Scarlet Snow Belo via Facebook

Hindi rin ito pinalampas ng mommy niyang si Dra. Vicki Belo na nagsabing siya ang magiging pinakamahusay at pinaka-makabayang pangulo ever.

Sabi niya, “I know you will be the best and most nationalistic president ever.”

Kahit na limang taong gulang pa lamang kasi si Scarlet ay marami na rin siyang narating at nagawa para sa bansa. Sa katunayan, itinalaga siyang Philippines’ tourism ambassador noong apat na taong gulang pa lamang siya.

Image by Scarlet Snow Belo via Facebook

Nag-trending din ang kanyang bidyo na nagre-recite ng “Panunumpa Sa Watawat ng Pilipinas” at “Panatang Makabayan.” Sino ba naman ang hindi matutuwa sa angking nitong kabibuhan at kagandahan?

Panoorin:

 

View this post on Instagram

 

I was 3yo when I promised to be loyal to our country and to do what I can to make the Philippines great. Happy Independence Day!

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo) on

Source :

Instagram

Loading…