Sekyu hinangaan matapos payungan ang aso para hindi mabasa ng ulan

Imahe mula kay @MelGracie
  • Isang security guard ng supermarket sa United Kingdom ang nag-viral dahil sa kabutihang ginawa sa aso
  • Pinayungan ng sekyu ang aso nang magsimulang umulan
  • Nakunan ng litrato ng isang netizen ang tagpong hinangaan ng madla

Hinangaan ang security guard sa isang supermarket sa United Kingdom matapos kumalat sa social media ang larawan ng ginawa niyang kabutihan para sa isang aso.

Imahe mula kay @MelGracie

Nakunan ng litrato ng netizen na si @MelGracie ang security guard ng Morrisons na nakilalang si Ethan Dearman na hindi alintana ang kaunting ulan upang payungan ang asong si Freddie, isang golden retriever, na naghihitay sa paglabas ng kanyang amo mula sa supermarket.

“Shout out to this @Morrisons security man keeping this good boy dry,” tweet ni @MelGracie na isang tattoo artist.

“Well, you never know how dogs feel about the rain” sabi raw sa kanya ni Ethan, ayon kay @MelGracie.

Pinasalamatan naman ni David Cherry, ang may-ari kay Freddie, ang ginawa sa alagang aso. Aniya, palaging mabuti ang pakikitungo ni Dearman sa pamilya niya sa tuwing nasa supermarket sila.

“Our dog Freddie has went viral after kind security man put up his umbrella for Freddie when it started raining at the Morrisons near my parent’s house. Good community vibes. People looking out for each other. He’s always nice to my Dad and brother, it’s nice to hear nice thing,” sabi ni Cherry.

Imahe mula sa Facebook account ni Ethan Dearman

Sabi naman ng security guard na si Dearman, nagawa niyang mapayungan ang aso dahil na rin sa teamwork ng Morrissons staff.

“I just wanna give the Morrisons Giffnock team a shout out. If it wasn’t for the teamwork between staff on a daily basis then I wouldn’t have been able to shelter Freddie from the rain and watch customer queues while staff members at the door continued to count the numbers inside,” aniya.

Tinawag ng ilang Twitter users na “hero” si Dearman. Ayon pa sa iba, dapat bigyan ng pay increase ang mabait na sekyu.

Source :

Twitter, Inquirer

Loading…