Sen. Bong Go hangad na wala nang squatter sa sariling bayan; housing program palalakasin

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Bong Go
  • Naghain ng dalawang panukalang-batas si Sen. Bong Go na naglalayong matugunan ang homelessness sa bansa
  • Hangad niya na wala nang mga squatter sa bansa kaya isinusulong ang dalawang panukalang-batas
  • Nais ng senador na magkaroon ng maayos at disenteng bahay ang bawat pamilyang Pilipino

Nais ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na wakasan na ang kawalan ng sariling tahanan ng mga maralitang Pilipino; higit sa lahat ang mga pamilyang sinalanta ng mga sakuna, partikular na ang mga nawalan ng masisilungan matapos tupukin ng apoy ang bahay.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Bong Go

Isinusulong ng senador ang dalawang panukalang-batas – Senate Bill 203 at Senate Bill 1227 – na tutugon sa nabanggit na problema.

“Marami po akong napupuntahang mga nasunugan, nawalan po sila ng tirahan. Kailangan natin silang tulungang makabangon muli through low-cost housing programs and development, including the construction of safe and permanent evacuation centers, and housing assistance for fire victims,” aniya.

Hangad niya umano na wala nang mga squatter sa bansa kaya isinusulong niya ang dalawang panukalang-batas.

“Kaya ko po finile ang mga bills na ito dahil hangarin po natin na wala nang squatter sa ating sariling bayan. Gusto natin magkaroon ang bawat pamilyang Pilipino ng isang maayos at disenteng bahay,” paliwanag ni Sen. Bong Go.

Layunin ng Senate Bill 203 o “National Housing Development, Production and Financing Act na mapabilis ang housing production at tiyakin ang sapat at maaasahang paglalaan ng pondo ng gobyerno para sa mga socialized housing sa mga darating na taon.

Samantala, ang Senate Bill 1227 o “Rental Subsidy Program Act” ay naglalayong mabigyan ng matutuluyan ang mga pamilyang nawalan ng bahay at tulungan silang maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan habang itinatayo pa ang lilipatang tahanan.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Bong Go

“Importante po na magkaroon ng maayos na tirahan ang pamilyang Pilipino. Nakita naman po natin ang hirap ng buhay lalo na sa panahon ng pandemya. Kapag dikit-dikit ang bahay, hindi maayos ang sanitation, karamihan po informal settlers, mas madaling kumalat ang sakit,” paliwanag niya.

Sinabi rin ng senador na ang pandemya at ang mabilis na pagkalat ng sakit dahil sa siksikang mga komunidad ang pangunahing dahilan kaya niya hinikayat ang pamahalaan na ipatupad agad ang “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program”.

Loading…