Sen. Bong Go paiimbestigahan ang ‘overcharging’ ng gamot sa mga ospital

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Bong Go
  • Paiimbesitigahan ni Senador Go ang diumano’y overcharging ng gamot sa mga ospital
  • Hinimok niya rin ang DOH at DTI na tiyakin ang maayos na supply ng murang gamot
  • Dapat daw repasuhin din ang listahan ng gamot na nakapaloob sa EO 104

Hinimok ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na tiyakin ang maayos at steady na supply ng murang gamot lalo na ngayong panahon ng pandemiya.

Kailangan umanong repasuhin ng dalawang ahensiya ang listahan ng mga gamot na nakapaloob sa Executive Order 104 na nagtatakda ng Maximum Drug Retail Prices sa ilang mga gamot alinsunod na rin sa Cheaper Medicines Act.

Imahe mula sa KPMG International

Sa paraang ito, ayon sa mambabatas, makasisigurong makabibili pa rin ng murang gamot ang mga Pilipino at hindi maaabuso ng mga mapagsamantalang negosyo lalo na ngayong nasa national health emergency ang bansa bunsod ng umiiral na COVID-1 pandemic.

“Bilang halimbawa, may mga nababalitang ‘overcharging’ ng mga gamot sa mga ospital na isinasama na lang sa total bill ng mga pasyente,” anang senador. “Walang choice ang pasyente kundi bayaran ito upang magamot at makauwi.”

Nakalulungkot umano ang ganitong mga pangyayari dahil imbes na magdamayan at magtulungan ang mga Plipino ay mas pinili pa ng ibang magsamantala sa kapwa.

“Handa po tayong imbestigahan ang mga ito,” pangako ng senador.

Imaeh mula sa Facebook-Sen. Bong Go

Nabalitaan niya rin daw na mayroong iilang mga gamot na mahirap hanapin at hindi nabebenta o napapamahagi sa mga nangangailangan nito. Hindi ito umano dapat mangyari; bagkus ay kailangang pantay-pantay ang lahat at hindi lang ang mga may pera ang makabibili ng mga gamot na kailangan nila  upang gumaling sa karamdaman.

Ayon sa mambabatas, sisiguruhin niya na may kapasidad ang pamahalaan na gawing available, accessible at affordable ang iba’t ibang mga medisina na kailangan ng mga may sakit.

At kapag dumating umano ang oras na mayroon ng bakuna at gamot laban sa COVID-19, dapat ay handa ang gobyerno na mabigyan ang lahat ng Pilipinong nangangailangan nito, mahirap man o mayaman.

“We must prioritize the general welfare of our people over the business profits of a few. Unahin natin palagi ang interes, kapakanan at buhay ng ordinaryong mga Pilipino,” pagtatapos ng senador.

Loading…