Sen. Cynthia may “one-of-a-kind” birthday celebration; Manny Villar may mensahe

Image by Manny Villar via Instagram
  • Birthday celebrant na si Sen. Cynthia Villar nakatanggap ng matamis na mensahe sa asawang si Manny Villar
  • Manny: “May you enjoy your one-of-a-kind, quarantine birthday celebration at home!”
  • Binati rin siya ng kanyang anak na si Las Piñas City Rep. Camille Villar

Nagpadala ng matamis na pagbati ang negosyante at dating Senador na si Manny Villar sa kanyang maybahay na si Sen. Cynthia Villar; ito’y kaugnay sa pagdiriwang ng huli ng kanyang ika-70 kaarawan.

Image by Manny Villar via Instagram

Pahayag ni Manny sa Instagram, sana’y ma-enjoy ni Cynthia ang kanyang “one-of-a-kind” celebration na nataon sa panahon ng COVID-19 pandemic kaya’t sa bahay nila ito isinagawa.

“My former classmate, my partner and confidante, the mother of my children, my dearest wife Cynthia, happy, happy birthday! May you enjoy your one-of-a-kind, quarantine birthday celebration at home!” mababasa sa Instagram post ng ginoo.

Nagpadala rin ng mensahe si Las Piñas City Rep. Camille Villar sa kanyang nanay. Aniya, “Happy, Happy Birthday Mama! May everything you continue to strive for become yours. Thank you for inspiring us.”

Maliban kay Camille, anak din ng mag-asawang Villar sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar at negosyanteng si Paolo Villar. Ang kanilang pamilya ang isa sa pinakamayaman sa bansang Pilipinas.

Image by Camille Villar via Twitter

Nauna munang naging kongresista si Cynthia sa siyudad ng Las Piñas mula 2001 hanggang 2010; at naupo naman bilang Senador ng bansa noong 2013 at nanunungkulan pa rin hanggang ngayon.

Senador Cynthia Villar: “Paigtingin ang implementasyon ng batas ukol sa pangangalaga ng kapaligiran”

Hawak ngayon ng Senadora ang committee on environment and natural resources at kamakailan lamang ay nanawagan siya na mas paigtingin pa ang implementasyon ng mga batas ukol sa pangangalaga ng kapaligiran partikular sa natural habitat ng mga wildlife animals at endangered species.

“The fact that they are called protected areas should already warn people about their importance.

“They are the natural habitats of wildlife, which should not be damaged or destroyed, but protected instead, not only for the animals’ sake but for our sake as well,” aniya.

Image by Cynthia Villar via Facebook

Loading…