Sen. Drilon: Nabigo ang COVID-19 task force ng gobyerno

Image by Franklin Drilon via Facebook
  • Sinabi ni Sen. Franklin Drilon na nabigo ang COVID-19 task force ng gobyerno
  • Binanggit niya ang kawalan ng kredibilidad ni DOH Sec. Duque para pamunuan ang IATF
  • Umaasa siyang maglalatag ng konkretong plano si Pang. Duterte ukol sa COVID-19 sa kanyang nalalapit na SONA

Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na nabigo ang COVID-19 task force ng gobyerno (IATF) sa paglaban sa COVID-19; kasabay nito ang pagbanggit sa kawalan ng kredibilidad ni DOH Sec. Francisco Duque para pamunuan ang task force.

Image by Franklin Drilon via Facebook

Pahayag ng Senador sa panayam ng ANC ukol sa kung nabigo ba ang IATF, “Yes, I have no second [thought]. We will call a spade a spade. Look at where we are today – 70,000 cases, increasing everyday, the prediction is by the end of the month it’ll be over 80,000.”

Dagdag pa nito, malaki ang tiwala ng pangulo kay Duque na kahit gaano pa man kalakas ang panawagan ng Senado na palitan na ito ay hindi naganap,  pero kulang aniya ang kredibilidad ng DOH chief para pamunuan ang kanyang mga tauhan.

Wika niya, “The influence of Duque and his credibility is something that is lacking today. Therefore, what I’m looking for is a comprehensive plan rather than by going into personalities.”

Kaya’t umaasa umano si Drilon na maglalatag si Pangulong Rodrigo Duterte ng kongkretong plano ukol sa COVID-19 sa kanyang nalalapit na SONA sa Lunes lalo na sa usaping pang-ekonomiya.

Screenshot mula sa PTV

Sabi niya, ang tanging solusyon na nakikita niyang isinasagawa sa ngayon ay ang patuloy na lockdown. Mahalaga aniya ito para magkaroon ng oras sa pagpaplano pero hindi dapat na lockdown na mismo ang plano.

“Because if it’s an end to itself you killed the economy and you killed people because of hunger. I would like personally to hear comprehensive plans on the part of this administration on how do we address this.”

Wika ng senador, sana’y magkaroon ng plano kung papaano mai-stimulate ang ekonomiya. “Do we increase taxes, borrow some more given the fact that our debt ceiling is already off the roof?”

Loading…