Sen. Pangilinan pinagsalitaan ni DFA Sec. Locsin; senador may resbak

Imahe mula sa Abante
  • Isang tweet na puno ng expletives ang sagot ni DFA Sec. Locsin sa pagkuwestyon ni Sen. Pangilinan tungkol sa paggamit ng DOH ng imported COVID-19 test kits
  • Kinuwestyon ng senador kung bakit mas pinaboran ng DOH ang COVID-19 test kits mula sa China at South Korea kaysa sa test kits na gawa ng UP scientists
  • Isang tweet din ang sagot ni Sen. Pangilinan sa tweet ni Sec. Locsin

“Shut up if you have nothing intelligent to say.” Ito ang bahagi ng mga salitang binitiwan sa Twitter ni Department of Foreign Affairs (DFA)Secretary Teddy Locsin para kay Senator Francis Pangilinan.

Imahe mula sa Abante

Ilang swear words at expletives pa ang pinakawalan ng Foreign Affairs secretary sa kanyang post sa Twitter na nag-ugat sa tanong ng senador kung bakit tila mas pinapaboran ng pamahalaan ang COVID-19 test kits galing sa China at South Korea kaysa sa Filipino-made test kits na na-develop ng mga scientists mula sa UP National Institutes of Health at pinondohan ng Department of Science and Technology.

Sinabi ng senador sa isang pahayag na ang mga imported COVID-19 test kits ay hindi dumaan sa “rigid evaluation” kumpara sa locally-made test kits. Kinuwestyon din niya kung bakit kahit mas mura ang UP test kits ay mas pinili pa rin ng Department of Health (DOH) ang mga gawa sa China at South Korea.

“Ang sabi sa atin ng mga insiders sa DOH, walang kahirap-hirap ang mga imported test kits, samantalang pinahirapan talaga itong gawa ng Pinoy. Kung hindi pa natin kinalampag nung isang araw baka umabot pa ng taon bago gamitin,” pahayag ng senador.

Aniya, dapat raw magpaliwanag ang DOH kung bakit hindi inunang gamitin at i-mass produce ang mas murang locally-made test kits.

Ang katanungan ng senador ay sinagot ni Sec. Locsin sa pamamagitan ng isang tweet.

Screenshot ng tweet ni DFA Sec. Teddy Locsin

“Why? Why? Because they are proved to f**king work that’s f**king why. What’s wrong with you. Shut up if you have nothing intelligent to say.  I am not gonna let our people die in the name of Filipino first,” malutong na pahayag ni Sec. Locsin sa Twitter.

Agad namang rumesbak ang senador sa mga patutsada ng kalihim. Sa isang tweet, sinabi niyang may mas mabubuting bagay siyang magagawa kaysa sayangin ang kanyang oras sa mga pag-aalburoto ng isang “foul-mouthed, trying hard copy cat.”

Screenshot ng tweet ni Sen. Kiko Pangilinan

Loading…