Senador Nancy Binay, walang personal na biases sa ABS-CBN

  • Hindi dapat manaig ang mga personal na isyu sa franchise renewal ng ABS-CBN
  • Iyan ang inihayag ni Senadora Nancy Binay na aminadong maraming hugot at hinanakit sa naturang network dahil sa mga negatibong balita laban sa kanilang pamilya
  • Dapat daw ay kapakanan ng taumbayan ang pinaiiral dahi sila ang naghalal sa mga opisyal ng bayan

Inihayag ni Senadora Nancy Binay na kung negatibong balita lamang ang pag-uusapan, “winner” at “topnotcher” ang pamilya Binay na madalas ay binabalita ng media kagaya ng ABS-CBN, subalit hindi raw dapat pairalin ang mga personal na interes pagdating sa franchise renewal ng network.

“Kung mga hugot at hinanakit lang naman about negative stories ang pag-uusapan tungkol sa network, winner at topnotcher na ang pamilya namin. Despite the treatment we received, I always believe freedom to information and access to information are the bigger pictures in a democratic space,” ayon sa senadora na makikita sa kaniyang opisyal na Facebook page.

Public Domain Image

Dagdag pa niya, “Whether you are in media or in politics, what’s important is to transcend beyond personal biases and take to your heart your commitment and responsibility to people and country. We have to set aside personal viewpoints.’

Ipinagdiinan ng senadora na ang mga dapat ikonsidera ay ang kapakanan ng sambayanan at hindi para sa mga personal na isyu laban sa network.

“Issues that we need to address should never be about us… it should always be for the greater good of every Filipino,” paalala ng senadora.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“A true leader always think the welfare of the public. Thank you Sen. Binay. You always remind us to be BE NICE to everyone. God bless. More power,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Very true. We need to set aside personal issue and do what is right. The people put all of you on that position for the nation and not for your self-interest.”

“This is what a true politician should be. She is sincere about the people she serves. She is extraordinary. What an inspiration she is!” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Matatandaang nakatanggap ng iba’t ibang kritisismo at pangungutya si Senadora Nancy Binay matapos niyang tumakbo bilang senador noong 2013, subalit pinatunayan niyang hindi niya deserve ito.

Noong 2019, muli siyang tumakbo sa pagkasenador at pinalad naman na maging re-electionist. Patuloy siyang umaani ng magagandang feedback mula sa mga tao dahil pinatunayan niyang mali ang mga opinyon ng ibang tao sa kaniya.

Loading…