Senate hearing tungkol sa poor internet connection sa bansa nasuspinde dahil sa mabagal na internet

Imahe mula sa Techlicious
  • Pagdinig ng Senado tungkol sa poor internet connection itinigil dahil sa mabagal na internet connection
  • Madalas ma-disconnect at nakaranas ng audio-visual buffering ang mga dumalo sa online Senate hearing
  • Nang hindi na makatiis dahil sa bagal ng internet, ipinatigil ni Sen. Poe ang online video conference

Kakatwang isipin na ang ginawang pagdinig ng Senado upang tugunan ang poor internet connection sa bansa ay sinuspinde dahil sa poor internet connection.

Imahe mula sa Techlicious

Napilitang ipasuspinde ni Senator Grace Poe, chairman ng Senate Public Services Committee, ang ginagawang online video conference tungkol sa hindi maayos na internet service sa bansa nang ilang beses itong nagambala ng mga technical glitches dahil sa mabagal na internet connection.

Habang nagsasagawa ng online hearing, kinailangan pang ulit-ulitin ni Sen. Poe ang kanyang mga sinasabi dahil madalas ma-disconnect ang mga dumalo sa pagdinig o kaya naman ay nakararanas ng audio-visual buffering.

Ginamit ni Sen. Poe ang sarili niyang iPad dahil ayaw kumonekta ng equipment ng Senado sa video conferencing application.

Nang hindi na matiis ng senador ang technical glitches na nararanasan ay napilitan na siyang suspindehin ang hearing.

“I don’t want to prolong our suffering anymore straining ourselves trying to understand each other with this horrible connection that we have,” aniya.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Kabilang sa mga dumalo sa online hearing ang mga kinatawan mula sa National Telecommunications Commission at ilang internet service providers sa bansa.

Kasama rin sa pagdinig si Sen. Nancy Binay na nagsabing nakakainis nga ang naranasan nilang technical issues.

“Kung anuman ang mbps natin, apparently it’s not good enough because we’re having problems with our connection,” sambit ni Sen. Binay.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Inamin ni Sen. Poe na iyon ang pinakamalalang internet connection na naranasan niya. Patunay lang daw iyon na importante ang paksang tinatalakay nila.

“This is the worst, actually…Comedy of errors na talaga natin ito, eh. Lumalabas ang sintomas ng talagang sakit na dapat nating gamutin,” sabi niya.

Source :

ABS-CBN, Twitter

Loading…