Set up ng mga mga mag-aaral sa Thailand para sa physical classes kinaaliwan

  • Kinaaliwan ang set up ng mga mag-aaral sa isang paaralan sa Thailand upang masunod ang physical distancing at health protocols
  • Mistula kasi silang nasa loob ng kahon o ballot boxes na nagsisilbing malaking face masks at face shields
  • Bumaba na kasi ang kaso ng mga taong may COVID-19 sa naturang bansa

Halos isang buwan nan lamang ang bibilangin at muli na namang magbubukas ang mga klase sa pampublikong paaralan sa darating na Agosto. Sa kabila ng COVID-19 pandemic at ilang mga pagtutol mula sa sektor ng mga magulang at ilang opisyal ng pamahalaan, kasado na ang atas ng Department of Education o DepEd na magturo pa rin ang mga guro sa pamamagitan ng iba’t ibang modality kagaya ng virtual/online teaching o kaya’y modular.

Sa isang paaralan sa Thailand, dahil bumaba na ang kaso ng COVID-19, unti-unti na rin silang bumabalik sa dating mga nakagawian. Hindi kagaya sa Pilipinas, kinakailangang magtungo sa mga paaralan ang mga mag-aaral. Kinatuwaan ng mga netizens ang set up sa klase upang mapanatili ang physical distancing at hindi sila magkahawaan. Makikita ito sa Facebook page na “CGTN.”

Imahe mula sa Facebook page na CGTN

“Students of Sam Khok school wearing face masks and face shields are seen inside old ballot boxes repurposed into partitions as they attend a class after the Thai government eased isolation measures and introduced social distancing as schools nationwide reopen at Pathum Thani province, Thailand, on July 1,” ayon sa caption.

Makikitang tila nasa loob ng ballot boxes ang mga mag-aaral sa loob ng klase. Nilagyan din ng dividers ang mga upuan at mesa sa loob ng kantina kung saan may tendensiyang magkagulo at magsama-sama ang mga mag-aaral lalo’t panahon ito ng pakikipag-bonding sa isa’t isa.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“It looks stunning. Everything is possible if authorities can take appropriate decision for whatever situations where students able to feel free from this kind of pandemic,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Looks like a military camp, so regimented. However, this practice might work for them, so let it be. Top priority is the children’s and teachers’ safety. Change is a painful thing, but we’re headed towards a new lifestyle. There’s no harm in trying which solution would prove effective.”

Imahe mula sa Facebook page na CGTN

“I don’t agree with this. For now all schools and colleges should not be opened at any cause because life should be prioritized first than education,” pahayag naman ng isa.

Sa Pilipinas, malinaw na ipinag-utos ni Pangulong Duterte na huwag pababalikin sa physical classes ang mga mag-aaral hangga’t wala pang lumalabas na bakuna kontra COVID-19.

Loading…