Shangri-la Chinese Cuisine Restaurant, magsasara na makalipas ang 37 taong taon

  • May malungkot na balita ang Shangri-la Chinese Cuisine Restaurant sa kanilang mga valued customers
  • Matapos ang 37 taon ng operasyon ay permanente na silang magsasara dahil sa mga suliraning dulot ng pandemya
  • Nagbigay naman ng kani-kanilang mga salaysay ng karanasan ang mga netizens sa naturang restawran

Inihayag ng pamunuan ng Shangri-La Finest Chinese Cuisine Restaurant na matatagpuan sa West Avenue , Quezon City na permanente na silang magsasara, matapos ang 37 taon.

Ang dahilan ng kanilang permanenteng pagtigil ay ipinaliwanag ng pamunuan sa kanilang opisyal na Facebook page noong Hulyo 22, 2020; bagay na ikinalungkot ng mga customers na madalas na nagtutungo rito upang kumain. Hanggang Hulyo 31, 2020 na lamang daw ang kanilang operasyon.

Imahe mula sa Facebook page ng Shangri-la Chinese Cuisine Restaurant

“To our loyal customers and valued clients: Shangri-La Finest Chinese Cuisine is extending our utmost thanks to all of you. The Management and its Employees are so grateful for having you as part of our 37 years of existence in the restaurant and catering business,” pasasalamat ng pamunuan at empleyado sa kanilang mga valued customers.

Dagdag pa nila, “We would not be this successful, if not for all of you, who celebrated your great moments, achievements and even your simple get-together with us. Deeply, we are moved by your support and loyalty to Shangri-La Finest Chinese Cuisine.”

At saka nila inihayag ang kanilang pamamaalam.

“So it is with great sadness that we are announcing that effective August 1, 2020, Shangri-La Finest Chinese Cuisine will cease its operations, due for the most part to the challenges brought about by the on-going pandemic, which has plagued not only our country, but the entire world as well. Our last day for Dine-In and Take-Out services will be on July 31, 2020.”

Imahe mula sa Facebook page ng Shangri-la Chinese Cuisine Restaurant

Nagbigay naman ng kani-kanilang mga karanasan ang mga netizens na naging customers at diners sa naturang Chinese restaurant.

“Been there when I was a community leader, diyan namin ginagawa ang mga meetings and get together. Nice place and  good naman ang service… its been a pleasure having a memory in this place,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “I have very fond memories since I grew up with this restaurant. We even knew the owner before. So sad.”

“Are you not considering to make a come back after this pandemic? It’s not forever like what happened in the past,” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Maraming pinasarang mga business and  establishments itong virus na ito, ilang okasyon rin ang ginanap diyan sa place na ‘yan at napuntahan ko kaya nakakalungkot rin na magsasara.”

Nagsimula ang Shangri-La Finest Chinese Cuisine noong 1983 sa pagmamay-ari ng negosyanteng si Ramon Syhunliong.

Loading…