Singer na si Claire Dela Fuente hinatulan ng 7 years na kulong dahil sa tax evasion

Imahe mula sa Facebook account ni Claire Dela Fuente
  • Claire Dela Fuente hinatulan ng 7 years na kulong dahil sa tax evasion
  • Ang hatol ay kaugnay ng hindi niya pagfa-file ng income tax returns ng kanyang bus company mula 1998 hangang 2004
  • Si Claire Dela Fuente ay popular na singer noong 1970s at inihahalintulad ang boses niya sa tinig ng American singer na si Karen Carpenter

Sinentensyahan ng Court of Tax Appeals (CTA) ang dating popular na singer at ngayon ay bus operator na si Claire Dela Fuente ng hanggang pitong taong pagkabilanggo matapos mapatunayang nagkasala ng pitong beses ng tax evasion.

Imahe mula sa Facebook account ni Claire Dela Fuente

Sinabi ng CTA na pitong taong hindi nag-file ng income tax returns ng kanyang bus company na Philippine Corinthian Liner Corporation (PCLC) si Claire Dela Fuente, na ang tunay na pangalan ay Clarita De Guzman.

Isang taong kulong sa bawat count ng tax evasion ang hatol sa singer, ayon sa bahagi ng court decision na isinulat ni Associate Justice Ma. Belen M. Ringpis-Liban.

Ang sentensya ay nag-ugat sa kasong isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mahigit sampung taon na ang nakalilipas dahil hindi nag-file ng income tax returns si Dela Fuente para sa PCLC noong mga taong mula 1998 hanggang 2004.

Itinanggi ni Dela Fuente ang paratang ng BIR at sinabing nagsimula ang operasyon ng PCLC noong 2005.

Napatunayang hindi totoong 2005 nagsimula ang operasyon ng PCLC nang maglabas ang BIR ng mga records ng bus company na naka-file sa Securities and Exchange Commission, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Land Transportation Office.

Imahe mula sa PBPA

Binalewala rin ng korte ang BIR registration ng PCLC noong 2005 na iprinisinta ng kampo ng singer sa trial dahil palsipikado umano iyon, ayon sa mga abogado ng BIR.

Si Claire Dela Fuente ay naging popular na singer noong 1970s dahil sa hit song niyang “Sayang.” Inihahalintulad ang boses niya sa tinig ng American singer na si Karen Carpenter.

Loading…