Good News: Singil ng Meralco, bababa ngayong Hulyo

Image capture of video by Meralco via YouTube video
  • Electricity rate ng Meralco ngayong buwan ng Hulyo, bababa
  • Generation rate, bababa rin
  • Saad pa ng kumpanya, ilang buwan nang pababa ang kanilang singil ngayong taon

Ipinababatid ng Manila Electric Cooperative (Meralco) sa kanilang mga kustomer na bababa ang kanilang electricity rate ngayong buwan ng Hulyo.

Pahayag ng kumpanya, P8.966 na lamang ang sisingilin nila per kilowatt hour sa ngayong buwan kumpara sa P8.7252 per kilowatt hour na rate noong nakaraang buwan. Dahil dito, makakatipid ng tinatayang P6.00 ang kustomer na buwanang kumokonsumo ng 200 kWh.

May nakikita rin umano silang pagbaba ng generation charge sa Hulyo, na magiging P4.3344 per kWh kumpara sa P4.3413 per kWh noong Hunyo. Nasa kalahati ng sinisingil nila sa mga kustomer ay nanggagaling sa generation charge.

Ang pagbaba ng kanilang singil, anila, ay bunsod ng force majeure provision sa mga power supply agreements ng kumpanya.

Dito, nabawasan ang generation cost na sana’y mai-cha-charge sa kanilang suppliers dahil na rin sa mas mababang power demand ngayong quarantine period.

Saad pa ng Meralco, ilang buwan na umanong pababa ang kanilang electric charge ngayong taon.

“With four straight months of generation rate reduction, and a total rate decrease of more than one peso per kWh since the start of the year, this month’s overall rate is significantly lower than that of July 2019, which was P9.9850 per kWh.”

Sa kabilang banda, sinabi ng Meralco na mas marami sa kanilang mga kustomer ang mayroong underestimation kesa overestimation sa kanilang bill.

Maaari umanong makakuha ng refund ang may overestimation sa pinakamalapit na Meralco Business Centers kung nabayaran na ito, kung hindi naman ay maaari itong ipabawas sa susunod na bill. Pupuwede ring mag-apply ang mga kustomer ng installment payment.

Meralco ginisa sa ‘magulong’ bill’; sulat-paliwanag ipadadala sa mga konsyumer

Matatandaang ginisa ng ilang Senador ang kumpanya ngayong buwan lamang dahil sa tila ‘magulong’ bill na dumating sa mga kustomer para sa buwan ng Marso, Abril at Mayo.

Imahe mula sa Senate | Henzberg Austria

Loading…