Sinubukan mo na bang ‘mapadaan’ sa handaan upang maimbitahan?

  • Pinag-usapan ng mga netizens ang isang larawan
  • Hinggil ito sa mga taong kunwari ay napapadaan sa handaan upang maimbitahan
  • Para sa ilang mga netizens, sa panahon ngayon ng pandemya ay nararapat na maging bukas-palad tayo sa mga nagugutom at nangangailangan

Mahilig sa mga handaan o pagtitipon ang mga Pilipino. Sa katunayan, noong mga unang panahon ay talaga namang “bongga” ang mga piging; kung may ikinasal na magsing-irog sa lalawigan, iniimbitahan lahat ng mga kababaryo, na maaaring magtampo kapag kinalimutan. Ang mga piging o handaan ay simbolo ng pakikipagkapwa-tao.

Subalit minsan, may mga tao talagang hindi naman inimbitahan subalit gagawa ng paraan upang makapunta lamang sa handaan at makakain nang libre. Sila ang mga tinatawag na “gate crashers.”

Iyan ang ibinahagi sa Facebook page na “Papa.” Ayon sa kaniyang caption, may mga tao raw talagang kunwari ay “napadaan” lamang sa handaan subalit gustong-gusto talagang makikain.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Kunwari may hihiramin: martilyo, kudkuran, bilao, karayom, etc. Siyempre ugali ng Pinoy, mahihiya na hindi mag-aya kumain tapos yung nanghiram na kapitbahay nagpakipot naman, katapos-tapusan sasabihin ‘Ipagbalot mo na lang ako ng (morcon o kung ano ang espesyal na menu) at ang dahilan may gagawin pa sa bahay,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Oo, karamihan sa mga kapitbahay namin ganiyan hahaha. Ayos lang naman for me, kasi kung iyon naman ang way para makatulong ka sa kapwa mo, ipagdadamot mo pa ba?”

Para sa mga pormal na pagtitipon, kadalasang nagpapamigay ng mga pormal na imbitasyon sa mga tiyak na panauhin upang malimitahan din ang gastos ng host, at upang matiyak na magiging maayos pa rin ang isang handaan o piging.

Subalit sa panahon ngayon ng pandemya, sana rin ay hindi maging sarado ang isipan sa mga taong nagugutom, o mga taong hindi nakararanas ng handaan. Kung kakayanin naman, imbitahan ang mga kapitbahay lalo na ang mga nawalan ng trabaho o hindi man lamang nakaranas na magkaroon ng masasarap na handa.

Public Domain Image

May makaka-relate kaya dito?

Source :

Facebook

Loading…