“Siomai Himala” food business ni Ate Gay patok sa masa, franchise ba ang next?

Image by Ate Gay via Instagram
  • Food business ni Ate Gay, patok sa masa
  • May mga nagpakita na ng intensyon para mag-franchise
  • Mura lamang din ang singil niya sa kanyang mga paninda

Patok na patok ngayon ang food business ng komedyanteng si Ate Gay, at may mga nagpapakita na rin ng intensyon para mag-franchise sa kanyang Ate Gay Siomai na may tagline na “Siomai Himala.”

Image by Ate Gay via Instagram

“Affordable! Ate Gay, pwede mag-franchise?” sabi ng isang netizen. Komento naman ng isa pa, “franchise na ang next?”

Kabilang sa mga menu sa negosyo ng komedyante ay ang siomai, fried rice, pancit and noodle soup na luto mismo ni Ate Gay. Presyong masa din ang singil niya dito na aabot lamang sa P35.00.

“Ang mura naman!!!” sabi ni Allan K sa kanyang post; sagot naman dito ni Ate Gay, “@allan_klownz para sayo 150pesos yan hahaha .. mura lang para sa masa.”

Dahil sa tagumpay niyang ito, pinatunayan lamang ng stand-up comedian na ipagpatuloy lamang ang laban sa gitna ng mga pagsubok. Natigil kasi ang operasyon ng comedy bars at marami rin ang nagsara dahil sa COVID-19 pandemic pero sa halip na magmukmok ay pinili nitong maghanap ng panibagong pagkakakitaan.

Nakilala si Ate Gay bilang impersonator ng Philippine Superstar na si Nora Aunor at maging sa kanyang mash-up songs kung saan pinagdurugtong niya ang magkakaibang kanta para magpatawa. Nagtrabaho siya sa comedy bars ng 25-taon.

Aniya, “Sold out naman po ang siomai ko kaya lang masakit sa balakang kakapagod .. siguro bagong mundo kaya sana kayanin ko araw-araw … maraming salamat po sa inyo… bukas uli…”

Image by Ate Gay via Instagram

Kaya’t payo niya sa mga mamamamayan, aliwin ang sarili sa pamamagitan ng kung anumang talento ang meron sila.

“Kagaya niyan, ang talento ko ay ang pagluluto sa ngayon. Malay niyo po, e, mas magaling po kayong magluto.”

Image by Ate Gay via Instagram

Loading…