Skyway Stage 3 madadaanan na sa Nobyembre, EDSA traffic inaasahang mababawasan ng 50 percent

Imahe mula sa Facebook account ni Mark Villar
  • Skyway Stage 3 nakatakdang buksan sa mga motorista sa Nobyembre
  • Inaasahang mababawan ng 50% ang EDSA traffic sa pagbubukas ng bagong elevated expressway
  • Ang 18.68-kilometer elevated expressway na nagkakahalaga ng P37.4 billion ay may walong access ramps at interchanges

Ipinahayag ng San Miguel Corporation na ang Skyway Stage 3 ay bubuksan na sa mga motorista sa buwan ng Nobyembre ngayong taon.

Imahe mula sa Facebook account ni Mark Villar

Inaasahan ng kumpanya na ang EDSA traffic ay mababawasan ng 50 percent sa oras na mabuksan sa mga motorista ang bagong expressway na magkokonekta sa South Luzon Expressway at North Luzon Expressway.

“I think kapag nagbukas na ‘yan nang November, ‘yung connector road from Buendia to Balintawak, yung EDSA traffic, minimum 50 percent of traffic wala na,” pahayag ni SMC President and Chief Operating Officer Ramon Ang.

Ang 18.68-kilometer elevated expressway na nagkakahalaga ng P37.4 billion ay may walong access ramps at interchanges, kabilang dito ang sa President Quirino Avenue sa Malate, Plaza Dilao sa Paco, Nagtahan sa Maynila at paglampas ng Buendia sa Makati City.

Sa Quezon City, mayroon ding ramps sa E. Rodriguez Avenue, Quezon Avenue at sa Sgt. Rivera Street.

Ang konstruksyon ng Skyway Stage 3 project ay sinimulan noon pang taong 2014 subalit naantala ito dahil sa mga isyu sa right of way.

Noong Abril taong kasalukuyan sana nakatakdang buksan ang bagong expressway, subalit bumagsak ang isang bahagi nito sa Pandacan, Manila dahil sa malaking sunog na naganap noong buwan ng Pebrero.

Imahe mula sa DPWH

Sinabi ni Ang na dahil sa insidente ay maaantala ang pagbubukas nito ng tatlong buwan. Ang bagong schedule ng opening ay ngayon sanang July, subalit dahil sa COVID-19 crisis ay muli itong naantala.

Umusad ulit ang konstruksyon nito nang magluwag ng community quarantine sa buong Luzon.

Imahe mula sa SMC

Loading…