Smoke emission test sa pagpaparehistro ng sasakyan pinasususpinde hanggang Disyembre

Imahe mula sa UNTV
  • Smoke emission test sa vehicle registration hiniling na suspindehin
  • Hiniling ni Rep. Rufus Rodriguez sa DOTr at LTO na suspindehin ang smoke emission test hanggang December 31,2020
  • Dapat ring silipin ng DOTr at LTO ang mga reklamo laban sa mga privately-owned testing centers sa buong bansa na namemeke ng emission test results

Hinihiling ng isang mambabatas sa Department of Transportaion (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) na pansamantalang isuspinde ang emission test bilang requirement sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.

Imahe mula sa UNTV

Sinabi ni Cagayan De Oro City Representative Rufus Rodriguez na dahil sa COVID-19 pandemic at sa pinaiiral na minimum health protocols ay napipilitang pumila nang maaga sa LTO ang mga nagpaparehistro ng mga sasakyan para lang makakuha ng numero.

Aniya, umaabot mula apat hanggang limang oras bago makakuha ng numero at pagkatapos ay kailangang maghintay na matawag ang number upang mabigyan ng appointment na kadalasan ay hindi bababa sa dalawang linggo bago pabalikin sa emission testing.

“It’s a lot of inconvenience on the part of motor vehicle owners, to say the least. These taxpayers deserve better service,” ani Rep. Rodriguez.

Bukod sa mahabang oras na nasasayang sa pagpila, nangangamba pa ang mambabatas na posibleng nalalabag din dito ang physical distancing ng mga nagpaparehistro ng sasakyan.

Imahe mula sa Remate

At upang kahit paano ay maibsan ang pagdurusa ng mga vehicle owners ay iminungkahi niya na sana ay isuspinde muna ang emission test hanggang December 31, 2020.

“To address this problem and to make registration easier for vehicle owners, the DoTr and the LTO should suspend the emission testing requirement until Dec. 31, 2020,” suhestyon ng mambabatas.

At habang suspendido ang emission testing ay dapat na rin umanong silipin ng DOTr at LTO ang mga reklamo at alegasyon laban sa mga privately-owned testing centers na namemeke umano ng emission test results.

Screenshot mula sa ANC video

Loading…