Solo driver na walang suot na face mask sa loob ng sasakyang nakabukas ang bintana, sisitahin

Imahe mula sa PNA
  • Mga solo drivers na walang suot na face mask sisitahin
  • Sinabi ng PNP spokesman na ang patakaran ay applicable sa solo drivers na ang bintana ng sasakyan ay nakabukas
  • Kapag sarado ang bintana ng sasakyan ay hindi naman sisitahin ang driver na walang face mask

Naglabas ng klaripikasyon ang Philippine National Police (PNP) upang bigyang-linaw ang katanungan ng publiko kung bakit kailangang sitahin o tiketan ang mga driver na walang suot na face mask sa loob ng sasakyan kung nag-iisa lang naman ito at walang pasahero.

Imahe mula sa PNA

Ang mga katanungan ng mga tao ay nag-ugat sa naunang pahayag ng PNP na titiketan ang mga solo driver na nagmamaneho na walang face mask dahil nasa labas na sila ng kanilang mga bahay.

Ito ay bilang pagtalima sa ipinatutupad ng pamahalaan na ang lahat ay required magsuot ng face mask kapag nasa labas ng bahay upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa isang pahayag noong Miyerkules, July 22, nilinaw ni PNP Spokesman Brigadier General Bernard Banac na ang paninita at paghuli sa mga solo drivers na walang face mask ay applicable lang kapag ang bintana ng sasakyan ay nakabukas.

“This refers only to jeeps, trucks, etc. with no AC (air conditioning) and windows are left open during travel,” sabi ni Banac.

Imahe mula sa PNP

“Kapag kita po na talagang hindi gumagamit (face mask) considered po ‘yon na lumabas na siya ng kaniyang pamamahay. Sisitahin po ‘yon.  Titiketan po ‘yon,” aniya.

Sabi pa ng opisyal, kapag may kasamang mga pasahero ang driver, dapat lahat sila ay may suot na face mask.

“Drivers and passengers must wear masks all the time,” aniya.

Imahe mula sa UNTV
Source :

Inquirer, Twitter

Loading…