Solon: Anti-political dynasty bill malabong pumasa sa Kamara

Imahe mula sa FFE Magazine
  • Malabong maipasa ang panukalang anti-dynasty bill sa kasalukuyang Kongreso, ayon sa isang solon
  • Halos 70 porsiyento umano ng mambabatas sa Kamara ay kabilang sa political dynasty
  • Nanghihinayang ang isang kongresista dahil ipinagbawal na ito ng Saligang Batas subalit hindi maipatupad

Malabong pumasa sa kasalukuyang Kongreso ang matagal nang isinusulong na anti-political dynasty bill; ito ang ibinahagi ng isang kongresista.

Ayon kay Agusan del Norte 1st District Rep. Lawrence Fortun, bagama’t umaasa pa rin siyang aaprubahan ang House Bill No. 110, mukhang napakaliit umano ng pag-asa nito sa kasalukuyang hanay ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan.

Imahe mula sa Facebook-Rep. Fortun

“Data shows, however, that the prospects are not very bright. No less than 70% of our members come from political dynasties,” ani Fortun.

Si Fortun ang may-akda ng HB No. 110 o ang Anti-political Dynasty Bill na naglalayong putulin na ang laganap na paghahari sa posisyon ng iisang pamilya o magkakamag-anak.

Inihalintulad pa niya ang tila magiging kapalaran ng kaniyang panukalang batas sa isang lumang kanta.

“I don’t want to be so pessimistic, but I am afraid the song Mona Lisa has the answer: The bill may just lie there and die there,” wika ng kongresista.

Screenshot mula facebook-Rep. Fortun

Ang political dynasty ay ipinagbabawal na sa 1987 Constitution subalit para maipatupad ito ay kailangan ng isang ‘enabling law’; bagay na hindi magawa-gawa ng mga mambabatas sa isang lugar, bayan o probinsiya.

“It is regrettable that this important provision of the Constitution that is critical to leveling the playing field in our electoral processes, ensuring checks and balance in governance, and further strengthening our democracy, has been ignored and set aside for the last 33 years,” ayon pa kay Fortun.

Isang medyo may kaluwagang anti-dynasty bill ang naaprubahan ng House Committee on Suffrage ng 16th Congress subalit hindi na ito umabot sa botohan para sa second reading. Ito na ang pinakamalayong narating ng kaparehong batas sa kasalukuyang Kongreso.

Loading…