Spanky Rigor, ang “S” sa VST &Company, simpleng namumuhay bilang baggage handler sa US airport

Screenshot mula sa video ni Albert Samaha
  • Simpleng namumuhay sa Amerika si Spanky Rigor bilang baggage handler sa isang airport
  • Si Spanky Rigor ang isa sa founding members ng VST & Company
  • Sinasabing ang “S” sa pangalan ng banda ay tumatayo sa pangalan niya at ang “V” at “T” at para sa magkapatid na Vic at Tito Sotto

Isa si Spanky Rigor sa founding members ng 70’s Pinoy disco band na VST & Company; ang itinuturing noon bilang Bee Gees of the Philippines.

Screenshot mula sa video ni Albert Samaha

Sinasabing ang “S” sa pangalan ng banda ay tumatayo para sa pangalan niya at ang “V” at “T” ay para sa magkapatid na Vic Sotto at Tito Sotto, na isa na ngayong senador.

Sa isang feature video na ginawa ng Buzzfeed News writer na si Albert Samaha para sa Pop-Up Magazine, ibinahagi niya kung paanong ang isang “rock star” sa Pilipinas ay simpleng namumuhay ngayon sa Amerika bilang isang baggage handler sa San Francisco International Airport sa loob ng halos tatlong dekada.

Kahit malapit nang magsitenta anyos ay ayaw pang magretiro ni Spanky sa trabaho dahil may mga bills umano na dapat bayaran.

Ikinuwento ni Albert Samaha, pamangkin ni Spanky, na nakilala ng uncle niya ang magkapatid na Sotto noong nagtatrabaho siya bilang producer sa isang record company. Nagustuhan daw ng magkapatid ang talas ng tainga niya sa musika.

Screenshot mula sa video ni Albert Samaha

Binuo nila ang VST & Company at noong 1977 ay inilabas ang debut single nilang “Awitin Mo, Isasayaw Ko.” Doon na nagsimula ang pagsikat ni Spanky.

Pinasok din ni Spanky ang pag-aartista at pagiging TV host kasama pa rin ang magkapatid na Vic at Tito at maging si Joey De Leon na naging bahagi rin ng VST & Company bilang lyricist.

Taong 1988 ay nagpasiya si Spanky na talikuran ang tinatamasang kasikatan sa Pilipinas at nagtungo sa Amerika upang makapiling ang asawa at anak na nauna na doon sa kanya.

Imahe mula sa Alchetron

Noong una ay nagpapabalik-balik pa sa Pilipinas si Spanky subalit sa kalaunan ay tuluyan na siyang pumirmi sa Amerika hanggang makapagtrabaho siya bilang tagabuhat ng mga bagahe sa airport.

Panoorin ang istorya ng buhay ni Spanky Rigor:

Loading…