Starbucks drinks na ibinibida ni Buknoy sa social media, peke?

Image by Xander Cedrick R. Cosiquien via Facebook/Image by Buknoy via Instagram
  • Netizen, ipinaliwanag kung bakit maaaring peke ang iniinom na Starbucks ni Buknoy
  • Dating nagtrabaho si Xander Cedrick sa Starbucks kaya’t kabisado na umano niya ang mga paninda ng kompanya
  • Cedrick: “Kaya next time haluin mo mabuti para walang buo-buo sa ilalim at di ka mahalata”

Maaaring peke ang iniinom na Starbucks drink ng vlogger na si Buknoy; ‘yan ay ayon sa isang social media user na dati umanong nagtrabaho sa kompanya na sikat sa paninda nitong drinks partikular ang kape.

Image by Xander Cedrick R. Cosiquien via Facebook/Image by Buknoy via Instagram

Pahayag ni Xander Cedrick Cosiquien sa Facebook, “Sa Starbucks ako first nagwork and last time I checked, wala dapat build up sa ilalim ng cup kapag umorder ka ng Tazo. If I’ll judge the color, hindi naman siya mukhang Giant Peach, Black Tea Mango at lalong hindi kulay Brambleberry yan.”

Saad pa nito, medyo malapit umano ang kulay ng iniinom ni Buknoy sa cold brew signature black kapag nadi-dissolve na ‘yung ice pero duda pa rin siya dahil wala dapat itong build-up sa ilalim ng cup dahil fini-filter-out nila ang grounds ng inumin makaraan ang steeping process.

‘Yung sa isang “Starbucks” naman daw na iniinom ng social media influencer ay di-marecognize ‘yung blend at kakulay ng Choc-o.

Wika nito, “Kaya next time haluin mo mabuti para walang buo-buo sa ilalim at di ka mahalata.”

Image by Xander Cedrick R. Cosiquien via Facebook/Image by Buknoy via Instagram

Sabi pa ni Cosiquien, “Pero if totoo man, I’m sort of impressed. It’s good na nag rerecyle ka ha, however, hindi advisable na i-reuse yan kasi single-use plastic cups yan l. So wala pa din. You badly want our attention? Here you go.”

Vlogger Buknoy Glamurrr humingi na ng paumanhin matapos mabatikos dahil sa pangmamaliit sa mga tricycle drivers

Matatandaang naging kontrobersyal si Buknoy makaraang payuhan ang kanyang mga tagapanood na magsumikap para maabot ang pangarap para hindi raw matulad sa mga tricycle drivers.

Hindi ito nagustuhan ng mga netizens partikular ng mga tricycle drivers at mga kamag-anak ng mga ito.

Humingi naman ng paumanhin si Buknoy kalaunan.

Image by Xander Cedrick R. Cosiquien via Facebook

Loading…