“Still In The Service Of The Filipino”: Bea Alonzo pinabulaanan ang TV5 soap

Image by Bea Alonzo via Instagram
  • Itinanggi ni Bea Alonzo ang balitang magkakaroon siya ng soap sa TV5
  • Bea: “Still In The Service Of The Filipino”
  • Binalikan niya kung papaano binago ng ABS-CBN ang buhay niya

Mariing pinabulaanan ni Bea Alonzo ang bali-balitang magkakaroon siya ng teleserye sa TV5; bagkus ay sinabi niyang mananatili siya sa ABS-CBN at inalala pa kung papaano binago ng network ang buhay niya.

Image by Bea Alonzo via Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ni Bea ang post mula sa Kapamilya Kingdom kung saan binanggit ang ulat sa sinasabing show sa TV5 at nilagyan niya ng kapsyon na “fake news.” Dagdag pang post ng artista, “Still In The Service Of The Filipino.”

Nag-ugat ang balita tungkol sa paggawa umano ng aktres ng teleserye kasama sina Piolo Pascual at Jericho Rosales sa isang kolum sa isang pahayagan. Nasabi dito na isang big-time producer ang nagbabalak ipalabas ang diumano’y teleserye bilang blocktimer sa TV5.

Nabanggit din dito ang desisyon ng ABS-CBN management kamakailan na pinapayagan na ang mga contract artists nito na lumipat ng ibang network o management.

Pero wika ni Bea, malaki ang pasasalamat niya sa Kapamilya station dahil sa marami na ang nagawa nito para mabago ang buhay niya, maitaguyod ang pamilya at maging mahusay sa larangan ng trabahong minahal niya – ang pag-arte.

Ibinahagi niya ang mga larawan noong teenager pa lamang siya at nag-o-audition sa isang ABS-CBN show. Sinabi niya na ito’y noong mga panahong iniisip pa lamang niya kung papaano abutin ang pangarap, tulungan ang pamilya at kung posible ang lahat.

Sa loob ng dalawang dekada, aniya, nakita niya kung papaano binigyan ng ABS-CBN ng pagkakataong makapaghanapbuhay nang maayos ang mga tao sa paligid niya at makatulong sa pamilya.

Image by Bea Alonzo via Instagram

“Kahit anong mangyari, babalik ako sa simula, kahit saan ako dalhin, ako’y isang kapamilya, nakaukit na ‘yan sa puso ko.”

Bea Alonzo humingi ng treat para sa 37th birthday ni John Lloyd

Sa tulong ng ABS-CBN, sumikat ang pangalang Bea Alonzo. Naging kapareha siya ni John Lloyd sa napakaraming teleserye at movies.

Image by John Lloyd Cruz via Instagram / Image by Bea Alonzo via Instagram

Loading…