Study Now, Pay Later: Loan hanggang P300K, alok ng LandBank para sa edukasyon ng mga estudyante

Imahe mula sa LandBank
  • LandBank may-alok na pautang para sa mga magulang at guardian na may pinaaaral
  • Maaaring makapag-loan ng hanggang P300,000 ang isang borrower
  • Naglaan ang LandBank ng P1.5 billion para sa “Study Now, Pay Later” lending program

Inanunsyo ng Land Bank of the Philippines noong July 9 na maaaring mag-loan ang mga magulang o guardian para sa pag-aaral ng mga anak na estudyante sa ilalim ng “I-Study” lending program” nito.

Imahe mula sa LandBank

Sa isang pahayag, sinabi ng LandBank na naglaan ito ng P1.5 billion para sa Interim Students’ Loan for Tuitions toward Upliftment of Education for the Development of the Youth o “I-Study” lending program.

Sinabi ng Landbank president and chief executive na si Cecilia Borromeo na ang I-Study lending program ay bukas para sa mga magulang o guardian ng estudyanteng naka-enroll ngayong school year 2020-2021.

“The LandBank I-STUDY Program is open to parents and guardians/benefactors of incoming students who are qualified under the admission and retention requirements of an academic institution recognized or accredited by the Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), or the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).,” ayon sa LandBank executive.

Ang mga magulang o guardian ay maaaring umutang ng halaga ng tuition para sa isang school year o dalawang semesters o hanggang P150,000 per student, subalit hindi lalampas sa P300,000 kada borrower.

Imahe mula sa LandBank

“LandBank supports President Duterte’s call to finance students’ access to quality education amid the economic challenges brought about by the pandemic. Through the I-STUDY Lending Program, we hope to help students finish their studies despite the difficulties they are facing,” ayon pa kay Borromeo .

Abot-kayang fixed 5% per annum ang interest sa short term loan para sa pre-school, primary at secondary students na maaaring bayaran ng hanggang isang taon, habang ang term loans naman para sa tertiary students naman ay maaaring bayaran hanggang tatlong taon kasama na ang isang taong grace period para sa principal amount.

Imahe mula sa LandBank

Upang makautang, ang mga borrowers ay dapat may established repayment capacity, credit history, at good credit standing.

Ang mga eligible students naman ay hindi dapat beneficiary ng Universal Access for Quality Tertiary Education Act of 2017 o ng anumang scholarship program.

Para sa mga katanungan tungkol sa lending program, maaaring tumawag sa pinakamalapit na LandBank Lending Center o Branch nationwide o customer service hotline nitong (02) 8-405-7000 o sa PLDT Domestic Toll Free 1-800-10-405-7000.

Source :

PIA, LandBank

Loading…