Suhestiyon ni Villafuerte na ibenta ang ABS-CBN sinagot ni Angel Locsin

Image by Angel Locsin via Facebook
  • Cong. Villafuerte nagbigay ng suhestiyon na ibenta na lamang ang ABS-CBN
  • Tanong ni Angel Locsin sa mga mambabatas: “Ito po ba ang plano eversince?”
  • Dagdag pa ng aktres, sana hindi ito maganap lalo na kung papabor ito sa cronies at gagamitin lamang ang istasyon bilang media propaganda para manlinlang ng tao

Hindi nagustuhan ni ABS-CBN Primetime Queen Angel Locsin ang suhestiyon ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Villafuerte Jr. na ibenta na lamang ng pamilya Lopez ang korporasyon kung nais talagang mapagsilbihan ang mamamayang Pilipino.

Imahe mula sa Tabloid PH

Nasabi kasi ni Villafuerte sa panayam kay Karen Davila sa ANC na, “My suggestion to the Lopez family, they just sell the corporation, and if they really love the 11,000 employees or more and if they really want to serve the Filipino people, ibenta na lang nila ‘yung kumpanya.”

Pero paglilinaw ng kongresista na isa sa mga bumoto kontra sa franchise renewal ng ABS-CBN, suhestiyon lamang ito at nakadepende pa rin sa mga namamahala sa istasyon ang desisyon.

Kung mahal ng Lopez family ang libo-libong empleyado, ibenta na lang ang ABS-CBN – Rep. Villafuerte

Binigyang halimbawa pa nito ang naganap sa Mighty Corporation kung saan ibinenta ang kompanya upang makabayad sa tax deficiency; na siyang nagbunsod para walang matanggal na manggagawa.

Tanong naman ni Locsin, “Ito po ba ang plano ever since? Palitan ang management para sa ‘iba’ mapunta? Sana hindi nangyari ang lahat ng ito in favor sa cronies at para sa ‘media propaganda’ ng mga gustong manlinlang sa taong bayan.”

Aniya, marami ang nakabantay sa isyu at umaasa pa rin siya na magaganap ang tama at kung ano ang makabubuti sa bayan, at hindi ang personal na agenda.

Image by Angel Locsin via Instagram

Sabi ng aktres, higit sa mga Lopez ay lalong apektado sa pagpapasara sa istasyon ang mga ordinaryong mamamayan.

“Akala n’yo ba na Lopez ang kalaban n’yo? Hindi. Hindi sila mamam*t*y sa gutom. Ang mga simpleng mamamayan ang nagugutom.”

Dagag pa ni Locsin, ang mga empleyadong ito na matatanggalan ng kabuhayan ay ‘yung mga pinangangakuan ng mga mambabatas tuwing eleksyon.

Imahe mula sa ABS-CBN

Loading…