Super slim waist! Babae sa Myanmar may baywang na 13.7 inches lamang

  • Isang babaeng taga-Myanmar ang may waistline na 13.7 inches
  • Siya ay si Su Moh Moh Naing na 23 taong gulang
  • Dahil sa kaniyang napakaliit na baywang, naging kandidato siya sa Guinness Book of World Records para sa kategoryang ito, ngunit siya ay natalo ng isang babaeng British na may waistline lamang na 13 inches

Maraming mga babae na pinapangarap na magkaroon ng sukat ng beywang o waistline na 24 inches. Kaya naman, todo-effort talaga ang ilan upang mapaseksi ang katawan hindi lamang para gumanda ang pangangatawan kundi upang maging mabuti rin ang kalusugan. Subalit may babae kayang mas bababa pa sa 24 inches ang sukat ng baywang?

Ang sagot diyan ay malaking oo; sa katunayan, 13. 7 inches lamang ang sukat ng kaniyang baywang!

Siya ay may Facebook name na “Su Moh Moh Naing,” 23 taong gulang, at naninirahan sa bansang Myanmar. Makikita sa kaniyang Facebook account ang kaniyang mga larawan, at hindi ka namamalikmata o kaya’t nakakikita ng edited na mga larawan; sadyang napakaliit ng kaniyang baywang na tila pinipi at wala nang lamang bituka sa tiyan.

Imahe mula sa Facebook account ni Su Moh Moh Naing

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Grabe naman ang kaseksihan ni Ate Girl! May mga sikmura pa ba iyan? Ngayon lang ako nakakita nang ganyang baywang,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Baka may kondisyon o sakit na nagkakaganiyan ang baywang. Pangarap kong lumiit ang baywang ko pero hindi naman ganiyan, medyo nakakailang din.”

“Su Moh Moh Naing (FB account niya ‘yan) ASIAN RECORD HOLDER, smallest waistline, grabe ang liit ng baywang 13.7 inches lang naman,” namamanghang saad ng isa.

Dahil sa kaniyang napakaliit na baywang, naging kandidato siya sa Guinness Book of World Records para sa kategoryang ito, ngunit siya ay natalo ng isang babaeng British na may waistline lamang na 13 inches.

Kahit na ganito ang baywang niya, napanatili pa rin ni Su Moh Moh Naing ang normal na pamumuhay batay na rin sa kaniyang mga larawang ibinabahagi sa social media. Makikita pa rin ang kaniyang magandang disposisyon, at hindi niya nakikitang may mali sa kaniyang pigura o kaanyuan.

Imahe mula sa Facebook account ni Su Moh Moh Naing

Loading…