Maraming magsasaka ayaw ipasa sa anak ang trabaho sa bukid – Study

Photo from Pixabay
  • Mas maraming magsasaka ang mas nanaising magtapos sa kolehiyo ang kanilang mga anak at magtrabaho sa siyudad o abroad
  • Kabilang sa mga kadahilanan nila ang kawalan ng kasiguruhan sa kikitain sa pagsasaka
  • Tinatawag nila ang kanilang mga sarili na “mangungutang” dahil sa umuutang sila sa mataas na interes para sa kanilang inputs

Mas maraming magsasakang Pinoy ang ayaw nang sundan pa ng kanilang mga anak ang kanilang yapak sa pagsasaka; bagkus ay mas nanaisin nilang magtapos ang mga ito ng kolehiyo at magtrabaho sa siyudad o abroad; ‘yan ang lumalabas sa isang pag-aaral na inilathala sa Philippine Journal of Sciences (PJS) ng DOST – Science and Technology Information Institute.

Image by Florencia Gonzaga-Palis via Facebook

Nasasaad sa pag-aaral na “Aging Filipino Rice Farmers and Their Aspirations for Their Children” ni Dr. Florencia G. Palis ng UP Los Baños na 65% sa mga magsasakang na-survey ang naniniwalang walang kinabukasan ang kanilang mga anak sakaling maging magsasaka rin sila.

Kabilang sa mga kadahilanang ito ang kawalan ng kasiguruhan sa kung magkano ang aanihin dahil sa unpredictable weather situations, unstable output price and input costs at mga natural disasters kagaya ng heavy rains, floods, and droughts.

Marami pa sa mga Filipino rice farmers ang nagsabing tinatawag nila ang kanilang mga sarili bilang “mangungutang” dahil sa mahal na input costs kaya’t napipilitan silang mangutang kahit sa mataas na interes samantalang binabarat naman ng mga traders ang kanilang mga ani.

Karamihan naman sa mga nais maging magsasaka ang kanilang mga anak ay yaong mga may-edad na na nais makapiling ang kanilang pamilya sa bukid at ipagpatuloy ang kanilang nakasanayan.

Kaya’t panawagan ni Dr. Palis, hindi lamang dapat nakapokus ang agricultural extension sa dissemination of technological innovations kundi isali ang social innovations para lalong mapabuti ang buhay ng mga pamilyang magsasaka at farming communities.

Photo from Pixabay

Sa ganitong kaparaanan, aniya, mas nanaisin ng mga magsasaka na ipagpatuloy ng kanilang mga anak ang kanilang farming occupation o business kung mas malaki ang kikitain.

Isinagawa ang survey mula sa 923 na magsasaka na pinili ng random. Ang mga ito’y mula sa Isabela para sa Luzon, Iloilo para sa Visayas at Agusan del Norte para sa Mindanao.

Photo from Pixabay

Loading…