Tanong ni Jen Mercado sa SONA ni Duterte: “Pero ano po ang plano?”

Image by Jennylyn Mercado via Facebook
  • Hiningi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipagtulungan ng masa sa laban sa COVID-19
  • Jen Mercado: “Sige po. Pero ano po ang plano?”
  • Wika ng aktres, hindi kailangang purihin ang gobyerno tuwing may progreso o positibong aksyon na nagawa dahil ‘yun naman talaga ang trabaho nila

Nagtatanong ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa kung ano nga ba ang plano ng gobyerno kontra COVID-19; sinabi niya ito makaraang hingin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kooperasyon ng sambayanang Pilipino para masugpo ang pandemya.

Image capture from Twitter post by Jennylyn Mercado

Hikayat kasi ni Duterte sa kanyang SONA nitong Lunes, nawa’y tulungan siya ng mamamayan kagaya ng kooperasyon sa iba pa niyang kampanya.

Aniya, nasa “troubled time” ang pamumuhay sa ngayon at walang exepted sa pananalasa ng pandemya.

“I do hope that the spirit of solidarity and unity will serve as a drumbeat to which we shall march in unison in our quest for the light at the end of the tunnel. Let us take care of one another. Ito ang panahon para magtulungan, hindi panahon para maglamangan,” wika nito.

Dahil sa sinabing ito ng Pangulo, may katanungan ang GMA talent, “Sige po. Pero ano po ang plano?”

Sa isa pang post ay sinabi ni Mercado na papel ng gobyerno ang isulong ang kapakanan ng bansa sa kahit na anumang sitwasyon.

Kaya’t, sabi niya, anumang progreso o positibong aksyon na nagawa nila ay hindi kailangang papurihan dahil ‘yun naman talaga ang trabaho nila; bagkus, dagdag nito, ang dapat bigyang pagpupugay ay ang ating mga makabagong bayani.

Image capture from Twitter post by Jennylyn Mercado

Pahayag niya, “Maraming salamat sa ating mga doctors, nurses, teachers, mga sundalo, at ang iba pang mga frontliners na patuloy ang serbisyo sa ating mga Pilipino. Saludo po kami sa inyo. Maraming maraming salamat.”

Jennylyn Mercado may sagot sa nagsabing ‘artista lang’ siya kaya ‘wag magbahagi ng opinyon

Nauna nang sinabi ng aktres na may kalayaan din silang maghayag ng sariling opinyon kaya nalulungkot siya na may mga taong mababa ang tingin sa kanilang mga artista na gumamagamit pa ng masasakit na salita at personal na atake sa pagkatao sa tuwing naghahayag sila ng saloobin.

Imahe mula sa Facebook | Jennylyn Mercado

Loading…