Teacher-broadcasters kailangan ng DepEd para sa TV/radio classes

Imahe mula sa DepEd
  • Nangangailangan ng 172 teacher-broadcasters ang DepEd
  • Kailangan umano ng mahuhusay na guro na haharap sa kamera at mikropono para sa mga ipalalabas na video at audio episodes sa DepEd TV, DepEd Radio at DepEd Teleradyo
  • Ang mga mapipili ay isasailalim sa extensive trainings mula sa mga TV at radio personalities at iba pang experts

Nagsimula na ang paghahanap ng mga teacher-broadcasters na tutulong sa Department of Education (DepEd) sa paghahanda sa mga gagawing video at audio episodes na gagamitin sa blended o distance learning sa darating sa 2020-2021 school year na magsisimula na sa susunod na buwan.

Imahe mula sa DepEd

Sa isang memorandum na kanyang inisyu noong July 16, nanawagan si DepEd Undersecretary Alain Pascua sa mga teacher-broadcasters sa produksyon ng  DepEd TV, DepEd Radio, at DepEd Teleradyo episodes na ibo-broadcast sa buong bansa kapag nagsimula na ang klase sa August 24.

Kailangan umano ng mahuhusay na guro na haharap sa kamera at mikropono para sa mga ipalalabas na video at audio episodes.

“There is a need for 86 to 172 of the best and brightest Teacher-Broadcasters who will teach subjects before cameras/microphones for video and audio episodes which will be broadcasted nationwide,” ani Usec. Pascual.

May inilistang mga criteria o competencies na kailangan upang pumasa bilang isang teacher-broadcaster.

Imahemula sa Facebook account ni Usec. Alain Pascual

Pinagsumite ang mga interesadong maging treacher-broadcaster ng kanilang updated resume, brief profile at 5-minute video na nagpapakita ng kanyang mastery sa subject at grade level.

Ang mga mapipili ay isasailalim sa extensive trainings na gagawin ng mga TV and radio personalities at mga experts.

Isa ang High School teacher na si Rafael Martinez sa mga napili nang maging teacher-broadcaster.

Nakatulong nang malaki upang mapili siya ang ginawa niyang art lessons sa Facebook upang tulungan anga mga estudyante at mga kaibigan na kayanin ang hamon ng COVID-19 sa kasagsagan ng lockdown.

Gumawa rin siya ng Facebook page na tinawag na “Lapis ni Paeng” upang hikayatin ang mga mag-aaral na ma-express ang sarili, ang kanilang mga pangamba at agam-agam sa pamamagitan ng art.

Ang kanyang kakayahan ay hindi nakalampas sa mapanuring mga mata ng DepEd at pinili siyang maging isa sa 172 teacher-broadcasters.

Sa August 24 ay magtuturo siya ng arts sa Kindergarten students sa TV.

Narito ang isang pasilip sa training ng teacher-broadcasters kasama si Mr. Paolo Bediones.

Loading…