Tiniyak ng gobyerno na ‘di mawawalan ng trabaho ang 11,000 empleyado ng ABS-CBN – Garin

Imaeh mula sa Facebook, ABS-CBN
  • Tiniyak umano sa kanila ng gobyerno na hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyado ng ABS-CBN
  • Ito ang ibinahagi ni Rep. Garin sa isang online press briefing noong Biyernes
  • Inamin din ng kongresista na isa siya sa bumoto para ibasura ang prangkisa ng Kapamilya network

Ipinagtanggol ni Iloilo Rep. Janette Garin ang kaniyang desisyon na bumoto laban sa pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN habang tiniyak naman umano ng pamahalaan sa kanila na hindi mawawalan ng trabaho ang 11,000 na empleyado ng istasyon.

“On the issue of the 11,000 workers, we were very clear in stating and we were assured by the government that there are steps are being undertaken so that we are one with them, that nobody will lose job,” paliwanag ng dating DOH secretary sa ginanap na virtual press briefing nitong nakaraang Biyernes.

Imahe mula sa Facebook

Inamin din ng mambabatas na isa siya sa 70 kongresistang nagbasura sa prangkisa ng Kapamilya network dahil bilang miyembro ng franchise committee sa Kamara umano, tungkulin nila na suriin ang ang mga pang-aabuso sa mga ibinigay na prangkisa ng Kongreso.

Rep. Garin binanatan ang ABS-CBN sa coverage ng Dengvaxia

“So I really don’t want to go into the details of the violations because we have rested that before the committee, and it was a collegial decision,” wika ni Garin.

Ganunpaman, naiintidihan daw niya ang mga sentimiyento ng publiko tungkol sa napipintong pagsarado ng ABS-CBN.

Imahe mula sa Facebook

“Be that as it may, I also don’t think I will have to stop working as a doctor and somebody that has spearheaded in pulling down the cost of testing and somebody who has organized… doctors both from the private and the government sector so that we can all help crush COVID, if not intercept it at a point when it’s still transmitting,” dagdag pa nito.

Bago pa man nagbotohan ang Kamara noong Hulyo 10, naglabas na ng hinaing si Garin laban sa ABS-CBN dahil umano sa pagpapakalat ng  istasyon ng ‘maling impormasyon’ sa kasagsagan ng usapin ng Dengvaxia vaccine noon.

Marami naman ang naniniwala na ang ginawang pagboto ng mambabatas laban sa network ay dahil sa kaniyang personal na galit lamang.

Loading…