TV comeback ni Kris Aquino, hindi na muna matutuloy?

Imahe mula sa Facebook ni Kris Aquino
  • Hindi na muna matutuloy ang bagong programa ni Kris sa TV5
  • May hindi umano napagkasunduan ang kampo ni Kris at ang istasyon
  • Tikom pa rin ang bibig ng TV host-aktres sa isyu

Mukhang hindi na muna matutuloy ang pagbabalik ni Kris Aquino sa telebisyon matapos maudlot ang bagong talk show niya sa TV5 dahil umano sa hindi napagkasunduan sa pagitan ng producer at ng istasyon.

Magugunitang excited pa na inanunsiyo ng Queen of All Media sa kaniyang social media account ang kaniyang pagbabalik sa TV sa pamamagitan ng ‘Love Life With Kris Aquino’ na magsisimula na sana sa Hulyo 25.

Imahe mula sa Instagram ni Kris

Pumirma rin ng bagong kontrata sa Kris sa Cornerstone Entertainment kamakailan lamang.

Subalit ayon sa PUSH, hindi na muna ito itutuloy dahil sa hindi pa malinaw na dahilan. Bagama’t tikom pa ang bibig ng TV host-aktres sa isyu, mayroong lumabas na haka-haka na maaaring ‘pulitika’ umano ang isa sa dahilan nito.

Bagama’t dismayado, positibo pa rin ang pagtanggap ni Kris sa pangyayari.

“Let’s let this battle go. There are ones worth fighting, this isn’t one of them,” wika ng kontorbersiyal na TV host.

Nauna nang nag-post sa IG si Manay Lolit Solis na may posibilidad na hindi na ito matutuloy, ngunit nitong July 9, nagpahiwatag si Solis na ito ay defer lamang o iuurong.

“Dami naman version ng hindi pagkakatuloy ng show ni Kris Aquino sa TV 5 Salve, pero bottomline , defer lang pala o iuurong , pero hindi naman kanselado. Siguro nga into a big plan ang Chanel 5 kaya hindi muna itinuloy ang launching, defer lang naman kaya puwede mas inaayos pang mabuti ang lahat ng bagay bagay. Basta this time , anuman ang maging plano ni Kris Aquino, sure ako na for the better, mature na siya , marami na siyang fights in life na nadaanan, win some , lose some, pero survivor pa rin siya, coming out stronger and better. So wait lang tayo until further notice , darating din iyan. Konti pang pahinga Kris , then face the challenge again,” aniya.

Imahe mula sa Instagram ni Kris

Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang kampo ni Kris tungkol sa nasbing usapin at mukhang mas pinili muna nitong hind maging aktibo sa social media para sagutin ang tanong ng kaniyang mga tagahanga.

Magugunitang noong 2017 ay nabalita ring lilipat si Kris Aquino sa GMA 7 subalit isang one-time special lang ang nagawa niya dito – ang “Trip Ni Kris” at hindi na nasundan pa.

Loading…