US Embassy tumawag kay Sen. “Bato” Dela Rosa para ayusin ang kinanselang visa

Imahe mula sa Facebook acccount ni Sen. Ronald Dela Rosa
  • US Embassy tumawag kay Sen. Ronald Dela Rosa upang maayos ang kinansela niyang US visa
  • Noong Enero pinawalang-bisa ang US visa ng senador sa hindi malinaw na dahilan
  • Ibinunyag ni Sen. Tito Sotto na hindi nagustuhan ni US Pres. Donald Trump ang ginawang kanselasyon sa US visa ni Senator Dela Rosa

Isiniwalat ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na tumawag sa kanya ang US Embassy sa Maynila upang sabihin sa kanya na maaari na muling iproseso ang kanyang US visa ilang buwan matapos itong kanselahin ng US State Department.

Imahe mula sa Facebook acccount ni Sen. Ronald Dela Rosa

Ayon sa senador, sinabihan umano siya ng embahada na sa sandaling matapos na ang COVID-19 pandemic at pumasok na sa trabaho ang mga kawani nito ay maaari na siyang magtungo roon upang ayusin ang kanseladong US visa.

Ang pagtawag sa kanya ng US Embassy ay kasunod umano ng naganap na pag-uusap sa pagitan ni US President Donald Trump at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“To be honest with you, tinawagan ako ng US after nag-usap si President Duterte at President Trump, tinawagan ako ng US Embassy na asikasuhin itong visa ko. ‘Pag after COVID daw, ‘pag mag-report na ang kanilang mga staff, iniimbitahan ako papuntahin doon para asikasuhin ang aking visa,” anang senador na dating nagsilbi bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Matatandaang isiniwalat ni Senator Dela Rosa noong buwan ng Enero na kinansela ang US visa niya. Inamin niya noon na posibleng may kinalaman ang kanselasyon sa diumano ay mga EJK na naganap noong nanunungkulan siya bilang PNP chief mula 2016 hanggang 2018.

Imahe mula sa Politiko

Samantala, ibinunyag ni Senate Presidente Vicente “Tito” Sotto III na hindi nagustuhan ni President Donald Trump ang ginawa ng US State Department na pinawalang-bisa ang US visa ni Senator “Bato.”

“I don’t know if I’m at a liberty to tell you this, bahala na, it’s the truth naman. When I met with the President in the clubhouse a few weeks ago, Senator Bong Go was there,  there were other executives there. He just got off the phone with President Trump,” sabi ni Sen. Sotto sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay webinar.

Imahe mula Facebook -Sen. Tito Sotto

“Merong ginamit na word si President Trump na those people from the State Department should not have done that in the first place. President Trump himself did not agree with what happened,” dagdag pa niya.

Ito ang dahilan kung kaya’t hindi na raw siya nasurpresa sa pahayag ni Sen. Dela Rosa na aayusin na ng US Embassy ang kanselado niyang US visa.

Loading…