Vendor hinangaan ang katapatan sa gitna ng kahirapang nararanasan sanhi ng pandemya

Imahe mula kay Romel Dayoan
  • Vendor hinangaan dahil sa katapatan sa kabila ng hirap na dinaranas dahil sa pandemya
  • Pagtitinda ng ice cream sa umaga at balut naman sa gabi ang ikinabubuhay ng tapat na vendor
  • Nakapulot siya ng wallet na may lamang pera at mahahalagang bagay
  • Hindi sumagi sa isip niya na angkinin ang napulot

Hinangaan ng mga netizens ang isang vendor na nagpakita ng katapatan sa kabila ng kahirapang nararanasan dahil sa health crisis.

Imahe mula kay Romel Dayoan

Araw at gabi ay kumakayod si Nelson del Valle ng Barangay Dadalaquiten sa Sinait, Ilocos Sur. Pagtitinda ng ice cream sa araw at balut naman sa gabi ang pinagkakakitaan niya, pero lubha itong naapektuhan mula nang magkaroon ng pandemya at nagpatupad ng  mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) ang pamahalaan.

“Noong nag-ECQ ay wala eh. Tatlong buwan ay wala kaming kita. Hindi kami nakapagtinda, kaya medyo masakit kasi hindi ko alam ang kakainin ng pamilya ko,” lahad ni Nelson.

Katuwang niya sa pagtataguyod ng kanilang pamilya ang misis niya na nagtitinda ng mga gulay sa palengke. Apat ang anak nila na ang panganay ay mayroon nang sariling pamilya at ang tatlo naman ay nag-aaral pa.

May dinaramdam din si Nelson sa kanyang kidney. Naipagpapaliban niya ang pagpapagamot sa nararamdaman kapag kinakapos na sa budget. Mas inuuna niya ang pangangangailangan ng pamilya niya kaysa sa sarili.

Kapos man sa pinansyal na aspeto ng pamumuhay, hindi pumasok sa isipan niya na angkinin ang perang laman ng pitaka na napulot niya noong nakaraang linggo, ika-12 ng Hulyo, habang nagtitinda siya ng balut malapit sa dagat sa Barangay Cabangtalan sa bayan din ng Sinait.

Imahe mula kay Romel Dayoan

Agad niyang dinala ang pitaka sa kaibigang si Romel Dayoan, Disaster Risk Reduction and Management Officer ng kanilang bayan. Pinakiusapan niya ang kaibigan na ito na ang magdala ng pitaka sa pulisya upang maisauli sa may-ari.

“Dahil sa ginawa niya ay mas lalo niya akong pinahanga dahil despite na gaano siya kahirap, sa ginagawa niya ng umaga ng ice cream at balut sa gabi, at ganito ‘yung panahon, sometimes talaga maabutan siya ng tag-ulan, ay ganun pa rin siya,” buong paghangang sinabi ni Dayoan tungkol sa kabaitan ni Nelson.

Ipinost ni Dayoan sa Facebook ang mga ID na laman ng pitaka at hindi nagtagal ay nakaabot iyon sa kaalaman ng may-ari na nakilalang si Arleigh Argel, isang barista sa malaking Milk Tea store.

Humanga si Arleigh kay Nelson dahil sa kabila ng kahirapan sa buhay ay kabutihan pa rin ang umiiral sa puso ng vendor.

Imahe mula kay Romel Dayoan
Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…