Vice Ganda ikinalungkot ang pagsasara ng comedy bars gaya ng Zirkoh at Klownz ni Allan K

Image capture of video by ABS-CBN Entertainment via YouTube/Image from Allan K via Facebook
  • Pagsasara ng comedy bars, ikinalungkot ni Vice Ganda
  • Hindi raw ma-imagine ng Unkabogable Star na tuluyan nang mawawala ang mga comedy bars
  • Pinuri niya ang mga comedians na patuloy na nagpapatawa sa pamamagitan ng internet

Ibinahagi ni Unkabogable Star Vice Ganda ang lungkot na nararamdaman sa unti-unting pagsasara ng mga comedy bars dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Image capture of video by ABS-CBN Entertainment via YouTube

Wika ng komedyante sa “Super FIESTARS” segment ng It’s Showtime kung saan stand-up comedian mula sa Music Box ang contestant, “Alam mo talaga nakakalungkot sa sitwasyon ngayon, walang choice ang mga comedy bar kung hindi magsara.

“‘Yung Zirkoh, ‘yung Klownz nagsara na, ‘yung Punchline at Laffline nagsara na. Ang daming komedyante ang nawalan ng trabaho.”

Kuwento ni Vice, hindi niya ma-imagine na mawala nang tuluyan ang comedy bars kaya’t pinuri niya ang patuloy na pagbibigay-saya ng ilang komedyante sa internet.

Nag-guest din umano siya sa isang online comedy show ng mga nawalan ng trabaho.

“Hindi man sila kumikita na katulad nung dati, serbisyo ‘yun e, ‘yung pinapatawa nila ‘yung viewers online. Malaking bagay ‘yun ngayon na makapagbigay ka ng ngiti.”

Matatandaang sa mga unang bahagi ng karera ni Vice ay naging performer siya sa mga comedy bars kung saan lalong na-develop ang talento niya sa pagpapatawa.

Pahayag nito, may mga nakokolekta ngayong donasyon ang ilang comedians pero pinaghahati-hatian nila ito para maitulong sa iba pang staff kagaya ng waiter at cook.

“Wala naman silang mga online show kaya ‘yung mga bakla tumutulong para mabigyan nila ng ayuda ang ibang staff.

Mga comedy bars ni Allan K na Klownz at Zirkoh tuluyan nang isinara dahil sa pandemya

Kamakailan lamang ay nagdesisyon si Allan K na isara na ang mga sikat na comedy bars na pagmamay-ari niya na halos dalawampung taon ding nagbigay saya sa marami.

Nagpadala si Allan ng liham sa kanyang mga empleyado para ihayag ang pormal na pagsasara ng Zirkoh at Klowmz.

Imahe mula s Facebook account ni Allan K

Loading…