Vice Ganda maglulunsad ng sariling network

Image by Vice Ganda via Facebook
  • Tuloy ang pagpapasaya ni Vice Ganda sa pamamagitan ng sarili nitong network
  • Nakatakdang ilunsad ang Vice Ganda Network sa July 24
  • Ikinukumpara ito ngayon sa Oprah Winfrey Network

Hindi man nabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN, tuloy ang pag-arangkada ng Unkabogable Star na si Vice Ganda para makapagbigay-saya sa mga tagahanga dahil maglulunsad pa ito ng sarili niyang network.

Image by Vice Ganda via Facebook

Nakatakdang buksan ang Vice Ganda Network sa July 24 kung saan mapapanood ang maraming contents mula sa komedyante kagaya ng beauty tips, talk show at giveaways. Kabilang sa pinakaaabangan dito ang Gabing Gabi na Vice kung saan makikipagkulitan siya sa mga special guests.

“Know the latest Vice News, get some Vice Beauty tips, get a chance to win some Vice giveaways, join the fun Vice Games and get to watch the latest Vice videos,” ang mababasa sa website ni Vice.

Inaasahang susuportahan ito ng kanyang napakaraming tagahanga lalo na sa social media kung saan milyun-milyon ang followers nito.

Dahil dito, binabansagan ngayong bagong Oprah Winfrey ng Pilipinas ang Pinoy celebrity dahil ang gagawin niya ay kagaya sa ginawa ng American TV personality na mayroon ding sariling Oprah Winfrey Network.

Kung nakapokus sa literature, self-improvement, mindfulness at spirituality ang kay Oprah, good vibes naman ang target na ibigay ni Vice.

Vice Ganda: Napakayaman na ng Lopez family para maghirap

Samantala, tuloy pa rin si Vice sa pagbibigay ng komento sa hindi pag-renew sa ABS-CBN franchise.

Imahe mula sa Facebook page ng ABS-CBN

Kamakailan lamang ay sinabi nitong mawawalan man ng malaking pagkakakitaan ang mga Lopez dahil sa pangyayari, siguradong hindi sila maghihirap; bagkus, ang mga pangkaraniwang manggagawa aniya na nawalan ng trabaho ang lubos na maaapektuhan.

Mga pangunahing entries sa MMFF 2020, inilabas na sa kabila ng panganib ng COVID-19

Kasama p arin si Vice Ganda sa gaganaping MMFF 2020 sakaling matuloy ito, kung magiging maayos na ang lahat. Bibida siya sa Praybeyt Benjamin 3 na produced by ABS-CBN Film Productions Inc. at Viva Communications Inc.

Image by Vice Ganda via Instagram

Loading…