Vice Ganda: Napakayaman na ng Lopez family para maghirap

Image by Vice Ganda via Facebook
  • Sabi ni Vice Ganda, mawawalan ng malaking mapagkakakitaan ang Lopez sa pagpapasara sa ABS-CBN
  • Pero dagdag nito, hindi sila maghihirap dahil dito
  • Aniya, ang mga pangkaraniwang manggagawa na nawalan ng trabaho ang maghihirap

Napakayaman na ng pamilya Lopez para maghirap pa kung kaya’t ang mga ordinaryong manggagawa ng ABS-CBN ang lubhang maaapektuhan ngayong hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN; ‘yan ay ayon kay Unkabogable Star Vice Ganda.

Image capture from post by Vice Ganda via Twitter

Pahayag ni Vice, “Sa pagpapasara ng ABS-CBN mawawalan ng malaking pagkakakitaan ang mga Lopez. Pero sigurado akong hindi sila maghihirap. Napakayaman na nila para maghirap. Ang totoong magdudusa dito ay ang mga pangkaraniwang manggagawa na nawalan ng trabaho. Sila ang maghihirap.”

Dagdag pa nito, kung inaakala umano ng mga tumarget sa ABS-CBN na nagtagumpay sila ay nagkakamali sila dahil mali ang natarget nila.

Lahat ng ginawa nilang ito, sabi niya, ay mumultuhin at gagambalain sila. Hindi na pinangalanan ng komedyante ang mga taong tinutukoy niya, pero wika nito, “Alam n’yo kung sino kayo.”

Ayon sa ABS-CBN, mayroon silang nasa 11,000 empleyado na maaapektuhan at maaaring tuluyang mawalan ng trabaho dahil sa hindi pag-renew sa prangkisa.

Si Vice Ganda ay kilalang komedyante partikular sa kanyang mga blockbuster movies, at bilang host ng It’s Showtime at Gandang Gabi Vice.

Imahe mula sa Instagram | Vice Ganda

Matatandaang isa siya sa mga empleyado ng network na bukas na nagpahayag ng reaksyon makaraang hindi mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN noong July 10.

“I know people won’t forget this”: Anne Curtis nagsalita sa pagbasura sa ABS-CBN franchise

Samantala, si Anne Curtis na host din ng It’s Showtime ay naglabas din ng saloobin sa pagbasura ng House Legislative Franchise Committee sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa.

Ani Anne, “My heart breaks for everyone that is affected by this…. from our bosses to all the employees and the loyal viewers of ABSCBN…. It is indeed a very sad day. I know people won’t forget this…”

Imahe mula sa ABS-CBN

Loading…