Vice Ganda pinabulaanang tinanggihan siya ng TV5

Image by Vice Ganda via Facebook
  • Umugong kamakailan ang bali-balitang tinanggihan ng TV5 management si Vice Ganda dahil umano sa mahal ng P3-million talent fee na hinihingi ng kampo nito
  • Pagbibigay-linaw ni Vice, fake news daw ito
  • Ibinahagi ni Vice ang isa sa mga post patungkol dito

Mariing pinabulaanan ng sikat na komedyante at Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mga ulat na nagsisilabasan na tinanggihan umano ng TV5 ang alok ng kanyang kampo na magiging parte siya ng Kapatid Channel sa halagang P3-million monthly talent fee.

Image by Vice Ganda via Facebook

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Vice ang isa sa mga post patungkol dito at nilagyan niya ng kapsyon na “Mga Bulaang Bwakanang ULUL!!! #PekFakeNews.”

Nagsimula ang bali-balitang paglipat ng komedyante makaraang kanselahin ng ABS-CBN ang exclusive contracts ng lahat ng mga artista nila kaugnay sa pagkakabasura ng kanilang franchise renewal, at maging sa pahayag ni TV5 chairman Manuel Pangilinan na maaari silang mag-hire ng ABS-CBN employees para magtrabaho sa kanila.

Pangilinan says TV5 open to hire displaced ABS-CBN talents

Wika ni Pangilinan, “We are revving up our entertainment content creation and will need creatives, talents, directors, scriptwriters, cameramen, etc.. If these are willing and able to work with us, we’re prepared to offer alternative jobs for the relevant displaced workers over time.”

Vice Ganda maglulunsad ng sariling network

Maliban sa pagiging host ng It’s Showtime na napapanood pa rin sa Kapamilya Channel at social media accounts ng ABS-CBN; nakahanda ring buksan ni Vice ang kanyang sariling digital network na tatawaging Vice Ganda Network  ngayong July 24.

Dito ay mapapanood umano ang maraming contents mula sa komedyante kagaya ng beauty tips, talk show at giveaways. Pinakaabangan dito ang kanyang Gabing Gabi na Vice kung saan makikipag-kulitan siya sa mga guests.

Image by Vice Ganda via Facebook

Wika ni Vice, hiningi niya ang basbas ng ABS-CBN para sa kanyang sariling network at maging ang kanilang mga bosses na sina Carlo Katigbak at Cory Vidanes ay hinahamon ang kanilang mga talent na pumunta sa digital platform.

“Hiningi ko ito ng basbas sa ABS-CBN kaya nagpapasalamat ako. I am so blessed that I was given the opportunity to work with the best people at ABS-CBN and Viva who shared their wisdom with me. Napapaligiran ako ng magagaling na tao.”

Image by Vice Ganda via Instagram

Loading…