Video ng katutubong Aeta na napakahusay kumanta, viral sa social media

Screenshot mula sa video ng Music life
  • Isang katutubong Aeta ang nagpamalas ng husay sa pagkanta s Pampanga
  • Inawit ni Rosanna ang “Maybe This Time” sa isang event na pinangunahan ng PNP Pampanga
  • Viral na sa social media ang video ng pagkanta ni Rosanna na may mahigit 4.2 million views na

Milyun-milyong views na ang hinakot ng video na nagpapakita sa isang babaeng Aeta na napakahusay umawit. Ibinahagi ang video clip sa Facebook page ng Music life.

Screenshot mula sa video ng Music life

Nakilala lang sa pangalang “Rosanna” ang babaeng katutubo na may ginintuang tinig matapos siyang ipakilala ng isang pulis na tumatayong emcee sa isang event na ginawa sa Porac, Pampanga para sa mga katutubo.

“Ladies and gentlemen, Miss Rosanna,” sigaw ng emcee bilang pagpapakilala sa kanya.

Kinanta niya ang “Maybe This Time” na orihinal na kanta ng American singer-composer na si Michael Murphey. Pinasikat din ni Sarah Geronimo ang awitin bilang theme song ng pelikula nila ni Coco Martin noong 2014 na may kaparehong pamagat.

Sa una, mapapansing medyo nahihiya pa si Rosanna pero nang makabwelo ay nailabas na niya ang husay sa pagkanta. Swabe at maayos ang pagkakabigkas niya ng lyrics.

Sa sobrang pagkabilib sa talento ni Rosanna, nasabi ng police officer na kumuha ng video na dapat maipalabas sa programang “Kapuso Mo,Jessica Soho (KMJS) ang  video.

“I-KMJS na ‘yan” sabi ng pulis na itinutok  pa sa sarili ang mobile camera.

Screenshot mula sa video ng PNP Pampanga

Batay sa Facebook page na Music life, mayroon nang 4.2 million views ang video ng pagkanta ni Rosanna. Mahigit 385,000 na ang nagbigay ng reaksyon sa video at may mahigit 11,000 comments.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“Ang diction was amazing. Demure at first but when start to sing, she’s like the real Sarah Geronimo. Most of all she’s real Filipina”

“Wow Beautiful voice. Nice song. Sana all. #KMJS na ‘yan”

“Wala talagang pinipili ang talent. Gift from God. Nice po ma’am, galing po”

Ang naturang video ay kuha noong July 8 sa isinagawang distribusyon ng mga seedlings sa mga residente ng Barangay Planas, Sitio Katutubo, Porac, Pampanga para sa “Urban Garden Project” ng Pampanga 1st PMFC PCAD Team na pinangunahan ni PCAD PCO P/LT Vlademir. B. Mendigo sa ilalimng superbisyon ni P/Lt/ Col. Felipe B. Maraggun,ang Force commander.

Source :

Facebook

Loading…