Villar: 50 quarantine facilities itatayo ng gobyerno sa susunod na 3 linggo

Imahe mula sa Facebook ni Sec. Villar
  • Magtatayo ang pamahalaan ng karagdagang 50 isolation facilities sa ibat’-ibang bahagi ng bansa
  • Ito ay upang dagdagan pa ang kasalukuyang kapasidad ng mga pasilidad ng gobyerno
  • Ang karagdagang 50 pasilidad ay matatapos sa susunod na tatlong linggo ayon kay Sec. Mark Villar

Magtatayo ang pamahalaan ng karagdagang 50 quarantine facilities sa susunod na tatlong linggo; ito ang ibinahagi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa isang virtual presser nitong Lunes.

Ito ay para dagdagan pa ang kasalukuyang kapasidad ng mga pasilidad ng gobyerno para sa mga pasyente ng COVID-19.

Imahe mula sa Fecbook ni Sec. Villar

Sa ngayon, mayroon na umanong kabuuang 52,223 nakahanda na katre sa mga isolation facilities sa ilalim ng Ligtas COVID Centers para sa mga posibleng dapuan ng coronavirus.

“Ang target namin in the next three weeks magtatayo kami ng additional 50 quarantine facilities and we can expect na malaki ang madadagdag sa ating kapasidad para sa ating mga COVID patients,” ani Villar.

Bahagi pa ng kalihim, may itinatayo silang 129 regional evacuation center sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa kasalukuyan.

Imahe mula sa Faceboook – DPWH

Kabilang na rito ang 11 na pasilidad na itinatayo sa Central Visayas (Region 7), 16 sa Eastern Visayas (Region 8), 20 sa Northern Mindanao (Region 10) at tatlo sa Soccksargen (Region 12).

Sa pinakahuling talaan ng Department of Health (DOH), umabot na sa 57,006 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng panibagong 836 na kaso ngayong Lunes, ika-13 nbg Hulyo.

Loading…