Viral route: Motorista ‘di makapaniwala sa direksyong itinuro sa kanya ng Google Maps

Imahe screenshot ,mula sa Facebook video ni Jercee Bustamante
  • Motorista ‘nasurpresa’ sa direksiyong ibinigay ng Google Maps
  • Pinadaan siya sa isang makipot at delikadong tulay
  • Nag-viral sa Facebook ang video ng motorista na kinatuwaan ng netizens

Viral ngayon ang video ng isang motorista kung saan makikita ang direksiyong itinuro sa kaniya ng online navigation map ng Google.

Sa video na ibinahagi ni Jercee Corpuz Bustamante, makikita rito na sakay siya ng motorsiklo habang binabaybay ang isang kalsada gamit ang Google Map sa mobile phone.

Maririnig pa sa background ang voice-over ng Google Map habang patuloy na itinuturo ang direksiyon kung saan siya dapat lumiko.

Imahe screenshot mula sa Facebook video| Jercee Bustamante

Subalit laking gulat ng motorista nang padaananin siya sa tila kakaibang lusutan na sa unang tingin pa lamang ay mukhang mahirap nang baybayin ng mga hindi pa sanay gumamit ng motorsiklo – maliit at mukhang pantao lamang.

Idinaan din siya sa napakakipot na eskinita at maliit na tulay kung saan hindi puwede ang may kasalubong, bukod sa napakadelikado pa. Sa kabila nito, maririnig pa rin ang boses ng Google Map na patuloy na nagbibigay ng direksiyon. Lol

Sa wakas ay humantong din siya sa isang maayos na kalsada na ligtas at buo matapos ang mahigit isang minutong ‘pakikipagsapalaran’.

Imahe screenshot mula sa Facebook video ni Jercee Bustamante

Maaaring dating ginagamit na kalsada ang nasabing lugar subalit nabago na ito at hindi lamang updated ang Google Map. Karaniwan na umano itong nangyayari sa ibang  motorista at ang iba pa nga ay tuluyan nang naliligaw.

Nag-viral naman ang video ni Bustamante na kinaaliwan ng mga netizen. Ito ang ilang komento at reaksiyon ng mga nakapanood:

“hahahahaha pahamak talaga tong google map noh. Pero mas okay pa to eh. Kesa sa atin bundok na wala pang signal.”

“Si google map hindi yan accurate, nadale na ko n’yan dati, pinaikot-ikot niya ‘ko sa mga daan malapit pala ang destination ko.”

“hahahaha naalala ko nasa libis ako e pauwe na ko kung san san ako napunta bwisit na google maps.”

“Pinadaan ka pa sa ganyan dun din pala sa dulo yung dinaanan mo hahaha pinaikot ka lang pala dapat bago ka dumiretso tingnan mo muna direksyon para kung saan ka at yung way na tinuturo ni waze o google map makikita mo kung di ka na pala iikot kasi minsan paikutin ka n’yan eh.”

Sa kabuuan, mukha na-enjoy naman ni Kuya ang ‘thrilling’ na dinaanan niya.

Tara, i-click lamang ang video sa ibaba para mapanood ang kanyang ‘adventure’:

Source :

Facebook

Loading…