Vlogger Buknoy Glamurrr humingi na ng paumanhin matapos mabatikos dahil sa pangmamaliit sa mga tricycle drivers

Imahe mula sa Instagram page ni Buknoy Glamurr
  • Kinainisan ng netizens ang vlogger na si Buknoy Glamurrr
  • Kinondena sa socmed ang ginawa niyang pangmamaliit sa mga tricycle drivers
  • Matapos mabatikos, humingi ng paumahin ang vlogger sa netizens

Ang pakay ng vlogger na si Buknoy Glamurrr sa kanyang vlog ay udyukan ang mga viewers na magsumikap upang maabot ang mga pinapangarap, subalit hindi maganda ang naging pamamaraan niya kaya kinondena ng mga netizens ang ginawang tila pangmamaliit sa mga tricycle drivers.

Imahe mula sa Instagram page ni Buknoy Glamurrr

Sa katunayan ay nag-number 1 trending sa Twitter ang pangalang “Buknoy” dahil sa inis ng mga netizens sa kanya.

Sa maiksing video na kinunan sa labas ng kanilang bahay, nagbigay ng payo si Buknoy, Andrew Luis Lapid ang tunay na pangalan, sa mga viewers na huwag tumigil sa pagtupad ng mga pangarap dahil kung hindi ay matutulad sila sa mga tricycle driver.

“Pero ang gusto ko talaga sabihin sa inyo is ‘wag na ‘wag kayo sumuko mangarap, ‘wag na ‘wag kayong sumuko na tuparin ‘yung mga pangarap ninyo kasi kung hindi kayo magsusumikap sa buhay, walang-wala kayong mararating, tulad nito,” sabi niya, sabay tutok ng camera sa paparating na tricycle.

Tinawag  pa niya ang tricycle driver para mag-“Hi” sa kanyang vlog. Nag-menor pa ang tricycle driver para pagbigyan ang vlogger.

“‘Yan kuya, sikat ka na!” sabi ni Buknoy habang palayo na ang tricycle.

Hindi pinaligtas ng mga netizens ang ginawa ni Buknoy na pangmamaliit sa mga tricycle driver.

Screenshot sa Tiktok video ni Buknoy Glamurrr

Narito ang reaksyon ng ilang netizens:

“My father is a tricycle driver and for him to say that people like my father doesn’t have a dream in life is so f**king stupid. I will never be ashamed of having a father like mine because he was able to send me to school (private school in high school) even if the money he makes from driving isn’t enough sometimes.”

“Hi, Buknoy. Tricycle drivers are victims of circumstances. It’s not that they didn’t dream enough for themselves. It’s ‘coz they dream more for their kids. I‘m a son of a tricycle driver, nakapag-UP. May naabot si Papa sa pagmamaneho – ‘yung mga pangarap ko.”

“It was just a dream for him before but through his hard work he was able to achieve it. Soon, my brother will take Engineering. Listen, Buknoy.”

Sa rami ng mga bumatikos sa kanya, agad na nagpaliwanag at humingi ng paumanhin si Buknoy Glamurrr.

Loading…