Wala munang mga takilyera sa LRT-2 stations; train tickets mabibili lang sa vending machines

Imahe mula sa LRTA
  • Train tickets sa LRT-2 mabibili lang sa mga vending machines
  • Wala munang mga ticket tellers sa train stations upang maiwasan ang transmission ng coronavirus tulad ng nangyari sa MRT-3
  • Ang mga single-journey tickets ng LRT-2 ay dini-disinfect at kina-quarantine ng 72 hours bago ibalik sa sirkulasyon

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ang mga pasehero ng LRT Line 2 (LRT-2) ay makabibili lang ng train tickets sa mga vending machines kasunod ng pagpapatigil sa mga takilyera o ticket tellers na magbenta ng mga ticket sa train stations upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Imahe mula sa LRTA

“Sa linya po, lately ho, two weeks ago, we started the procedure. Hindi na kami nagbebenta ng ticket using teller namin. Sa Line 2 wala nang teller na nagbebenta ng ticket. Ang ginagamit ay ticket vending machine,” pahayag ni LRTA spokesman Hernando Cabrera.

Nilinaw ni Cabrera na hindi tinanggal sa kanilang trabaho ang mga takilyera. Pansamantala, tutulong sila sa mga pasaherong hindi pa marunong gumamit ng vending machine.

“They will only assist only those who are first-time users and if they need assistance. They will not come into contact with passengers, they will not hold money or tickets. They will wear face shields and gloves,” aniya.

Ayon pa kay Cabrera, ang mga single-journey tickets ay dini-disinfect din nila at kina-quarantine ng 72 hours upang maproteksyunan ang mga pasaherong gagamit nito.

“’Yung single journey ticket, ginagamit na tingi tingi na ticket, ina-isolate din po namin sila. Pagdating ng gabi, kina-quarantine namin ‘yung single journey tickets for 72 hours, kasi ‘yun ang life span ng virus, bago i-re-encode at ibalik sa circulation,” paliwanag niya.

Imahe mula sa LRTA

Gumagamit sila ng ultraviolet light para sa disinfection ng mga single-journey tickets.

Tiniyak din ni Cabrera na walang magaganap na pagtaas ng pamasahe kahit nalulugi dahil sa ipinatutupad na limitasyon sa bilang ng mga pasaherong maaaring isakay upang masunod ang physical distancing.

Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…