“Wala po tayong dapat ikabahala”: Palasyo pinakakalma ang publiko sa bubonic plague

Image by Harry Roque via Facebook
  • Huwag umanong mabahala ang mga mamamayan sa Bubonic plague dahil sarado pa ang boarders ng Pilipinas, ayon kay Spox. Harry Roque
  • Aniya, “So sarado pa po ang ating mga boarders at wala po tayong dapat ikabahala”
  • Sabi ni Roque, sineseryoso ng pamahalaan ang sakit

Huwag umanong mabahala ang mga mamamayan dahil sarado pa ang mga boarders ng Pilipinas, ‘yan ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ukol sa pinangangambahang Bubonic Plague.

Image by Harry Roque via Facebook

Pahayag ni Roque, “So sarado pa po ang ating mga boarders bagama’t puwedeng mag-request on an individual basis ‘yung mga meron valid na dahilan para pumunta ng Pilipinas. So sarado pa po ang ating mga boarders at wala po tayong dapat ikabahala.”

Dagdag pa nito, sineseryoso ng pamahalaan ang sakit at ginagawa na ang lahat para hindi ito makarating sa bansa.

“Sineseryoso po natin ‘yan. Pero huwag po kayong mabahala dahil ang pagpasok naman ng mga dayuhan sa Pilipinas ay hindi pa po pinapayagan nang malawakan, case to case basis lang po.”

Ang Bubonic plague ay isa sa tatlong uri ng plague na bunsod ng bacterium na Yersinia pestis na nagdudulot ng impeksyon sa lympathic system at may kahalintulad na sintomas sa trangkaso.

Photo from Pixabay

Ito rin ang dahilan ng binansagang “Black D*ath” noong 14th century na kumitil sa buhay ng nasa 50-milyon katao sa Asya, Europa at Africa. Napag-alaman na epektibo ang ilang antibiotic para gamutin ito. Hindi naman umano masyadong makatutulong ang bakuna.

Posibleng pagkalat ng bubonic plague sa Inner Mongolia, binabantayan

Samantala, binabantayan na ngayon ng mga awtoridad sa Northern China ang posibleng pagkalat nito makaraang magkaroon ng kaso nito sa Inner Mongolia Autonomous Region noong Sabado.

Kasalukuyang naka-quarantine ang pasyente at nasa maayos na ang kalagayan nito.

Pinaalalahanan naman ang mga mamamayan na ipagbigay-alam kaagad kapag makaranas ng sintomas o makakakita ng pat*y na daga.

Photo from Pixabay

Loading…