“We’ve been through worse”: Michael V. nagpositibo sa COVID-19

Screenshot mula sa You Tube
  • Nagpositibo sa coronavirus ang komedyanteng si Michael V
  • Kinumpirma niya ito sa kaniyang You Tube vlog nitong Lunes
  • Dinokumento ni Michael V ang kaniyang karanasan simula noong makaranas ng sintomas

Nagpositibo ang komedyanteng si Michael V. sa coronavirus; ito ang kaniyang ibinahagi sa You Tube vlog niya nitong Lunes.

Sa vlog ni Bitoy, idinokumento niya ang kaniyang naging karanasan nitong mga nagdaang araw simula noong makaramdam siya ng sintomas.

Screenshot mula sa You Tube

“Siyempre nag-isolate na kagad ako, nag-quarantine na kagad ako. I took medicine nagpa-check up ako sa doctor online, I got better the following day,” kuwento ni Bitoy.

Gumaling naman umano siya kinabukasan at hindi naman tumaas ang kaniyang temperatura na umabot lang sa 37.1 degrees ang pinakamataas.

Nakaramdam din umano siya ng weird na sensation sa may bahagi ng kaniyang ilong.

“Isa sa mga symptoms daw ng COVID is yung loss of (sense of) smell and taste. I was afraid that it could be something like that kaya ni-try ko and apparently ang weird. Wala akong maamoy ngayon,” ani Bitoy sa ikaapat na araw ng kaniyang video diary.

Sa ika-5 araw, normal pa rin ang kaniyang temperatura subalit  mayroon pa rin siyang flu-like symptoms.

Screenshot mula sa You Tube

Nitong Sabado, Hulyo 18, ang ika-8 araw simula noong makaramdam si Bitoy ng sintomas ay nakatanggap siya ng email mula sa St. Luke’s Medical Center.

Upang makasiguro, tumawag pa ang komedyante sa nabanggit na pagamutan para makumpirma kung siya nga ay positibo sa virus. Nakalagay kasi sa test result ay “SARS-COV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA detected”.

Dito na nga nakumpirma na positibo si Bitoy sa COVID-19.

Malungkot man, wala umano siyang magagawa kung hindi ituloy lang kung ano ang mga payo sa kaniya na kailang gawin.

“We’ll get through this. We’ve been through worse,” ani Bitoy.

Panoorin ang kaniyang vlog:

Loading…