Willie Revillame tutulong sa operasyon ng anak ni Super Tekla; nilinaw ang pagkawala ng komedyante noon sa programa

Imahe mula sa YouTube | Wowowin at Instagram | Super Tekla
  • Tutulong ang host na si Willie Revillame sa gastusin sa operasyon ng anak ni Super Tekla dahil mayroon itong anorectal malformation
  • Nilinaw rin ni Willie ang issue noon sa biglang pagkawala ni Tekla sa Wowowin
  • Aniya, si Tekla ang kusang umalis at hindi niya ito tinanggal

Handa si Willie Revillame na tumulong sa gastusin sa operasyon ng anak ng dating Wowowin host na si Super Tekla dahil mayroon itong anorectal malformation.

Imahe mula sa YouTube | Wowowin

Sa isang episode ng programa ay nilinaw rin ni Willie ang mga haka-haka tungkol sa biglang pagkawala noon ng komedyante sa Wowowin. 

“Para malaman ninyo, matapos na ‘yong kung anong mga sinasabi ninyo dati, hindi ko pinaalis ‘yang si Tekla. Siya ang umalis. Bakit? Natutulog sa taping. Hinahanap namin, natutulog, biglang umalis,” paliwanag niya.

“Tekla, kahit na iniwan mo kami…hindi kita sinusumbatan, may pinagdaraanan ka ngayon… iniwan mo ko pero may problema ka ngayon. Nandito ako para tulungan ka. ‘Wag kang mag-alala, tutulungan kita para sa anak mo,” ani Willie.

Matatandaang walang butas sa puwet o may anorectal malformation ang anak ni Tekla kaya naman kinakailangan nitong sumailalim sa operasyon.

Dahil nahihiyang personal na lumapit kay Willie ay ipinadaan niya ang mensahe sa dating co-host na si Donita Nose.

Imahe mula sa Instagram | Super Tekla

“Nahihiya po siya na lumapit sa inyo kaya pinadaan niya sa akin na baka puwede ko siyang ilapit sa inyo kasi walang-wala nga raw po siya. So sabi ko, tutal para sa bata naman ‘yan, gagawin ko ‘yong best ko kaya naglakas-loob po ako na sabihin sa inyo na lumalapit siya at humihingi ng tulong,” kuwento ni Donita.

Paglilinaw pa ni Willie, kahit na hindi naging maganda ang pag-alis ng komedyante sa programa noon ay wala siyang galit dito.

“Hindi ako nagtatanim ng galit kahit kanino. Laging may forgiveness dapat ang puso ng tao…Eh ganoon ang buhay, panahon talaga ngayon para magtulungan tayo. Ito ang panahon para tanggalin yung bitterness at hatred,” dagdag pa ni Willie.

Ani Willie, puntahan lamang siya ni Tekla at taos-pus0 niya itong tutulungan. “Puntahan mo ako rito kung may oras ka, Tekla.”

Una nang ibinalita ni Tekla na naging matagumpay ang unang operasyon sa anak. “Good news. Okay na po. Successful po ‘yong unang operation ni Miro. Thank God, praise God!”

 

Source :

YouTube, Facebook

Loading…