Wish Ko Lang magbabalik; Kapuso shows resume na ang taping

Image by Wish Ko Lang and All-Out Sundays via Facebook
  • Ilang palabas ng Kapuso Network, magre-resume na ang taping
  • Muling ibabalik ng network ang public service show na Wish Ko Lang
  • Resume na rin ang taping ng Magpakailanman, All-Out Sundays, at Mars Pa More

Naghahanda na ang GMA Network sa pagbabalik-taping ng kanilang mga palabas kagaya ng All-Out Sundays, Wish Ko Lang, at Magpakailanman, ayon sa PEP.

Image by Wish Ko Lang via Facebook

Nabanggit na naghahanda na ang All-Out Sundays cast sa nakatakda nilang pagbabalik sa telebisyon sa July 12. Sabi ni Gorgy Rula, hindi pa sigurado kung papaano ito magaganap, kung gagawing live sa studio at mayroon din sa Zoom.

Samantala, ititigil na ng Kapuso channel ang palabas na Ilaban Natin ‘Yan at muling ibabalik ang Wish Ko Lang na siya umanong nababagay ngayong pandemya para matulungan ang mga kababayan na naghihirap.

Magsisimula na rin ang taping para sa morning talk show na Mars Pa More nina Camille Prats at Iya Villana kaya’t magkakaroon ng pagpupulong ang production staff.

Resume na rin ang shooting para sa anthology show na Magpakailanman.

Mukhang hindi na rin matutuloy ang Centerstage ni Alden Richards at posibleng magpasimula na ang GMA ng online audition para sa pagbabalik ng The Clash lalo pa’t nasa Pilipinas ngayon ang isa sa mga judges nito na si Lani Misalucha.

Hinikayat naman ang network na mas paganahin pa ang creativity at gumawa ng mga drama o comedy show na i-incorporate ang social distancing kagaya ng mga eksenang ang mga tauhan ay naka face mask o face shield, o anumang paandar na panay virtual scenes.

Nauna nang naibahagi na magsisimula na rin daw ngayong Hulyo ang taping para sa Pepito Manaloto, Amazing Earth, iBilib, Bubble Gang at Dear Uge.

Image by Pepito Manaloto via Facebook

Samantala, inilunsad noong Hunyo ng Kapuso channel ang digital TV receiver na GMA Affordabox, na nagkakahalaga ng P888.00.

Highlight dito ang mga channels na GMA, GMA News TV at Heart of Asia. Nakasasagap ito ng iba pang channels mula sa mga available na digital TV channels sa lugar.

Image by GMA Affordabox via Facebook
Source :

PEP, PEP, GizGuide

Loading…