Work-From-Home Scheme ng mga guro at non-teaching personnel, aprubado ng DepEd

  • Nalalapit na ang pagbubukas ng mga klase na magaganap sa Agosto 24
  • Pahihintulutan ng DepEd ang “Work-From-Home Scheme” para sa mga guro at non-teaching personnel
  • Ito ay upang matiyak ang kaligtasang pangkalusugan ng mga guro at kawani ng paaralan

Pinapayagan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro at non-teaching personnel na magtrabaho na lamang sa kani-kanilang mga tahanan o “Work-From-Home Scheme” at huwag nang magsagawa ng physical reporting sa kanilang mga pinaglilingkurang paaralan dahil sa pandemya ng  COVID-19, kahit na sa mga low risk areas.

Naglabas ng memorandum ang DepEd noong Hunyo 22 na nilagdaan nina Undersecretary Jesus Mateo at Undersecretary Revsee Escobedo na nagsasaad na “we remain committed in protecting the health and safety of our personnel.”

Public Domain Image

Ayon sa DepEd, kailangang masunod ang mga precautionary measures at health protocols upang mabigyang-proteksyon ang mga guro at kawani ng paaralan, kung gaano rin pinag-iingatan ang kalusugan ng mga mag-aaral na siyang pangunahing kliyente ng mga guro.

Nakasaad sa memorandum ng DepEd na ang WFH scheme ay  “highly recommended for both teaching and non-teaching personnel” lalo pa’t marami namang alternatibong paraan at mode upang makapagtrabaho pa rin ang mga guro.

“Optimal or full operational capacity does not necessarily correspond to the full workforce physically reporting to the workplace/onsite. In exceptional cases, the offices/schools/CLC’s requiring physical reporting must ensure that the workplace is compliant with the Safe Return to Work protocols,” ayon sa memo ng DepEd.

Para naman sa mga paaralan na ginawang quarantine o isolation facilities, mahigpit na ipinagbabawal ng DepEd ang pagtungo at pagbalik doon ng mga guro at kawani, hangga’t wala pang abiso mula sa mga health authorities na ligtas nang gamitin ang mga pasilidad sa naturang paaralan.

Public Domain Image

Kung sakali mang magkaroon ng physical reporting lalo na sa mga itinuturing na skeletal workforce, kailangan din umano silang bigyan ng konsiderasyon lalo na kung ang dahilan ng kanilang pagkahuli o pagliban ay mahigpit na pagpapatupad ng community quarantine, curfew, kawalan ng transportasyon, at iba pang di-kanais-nais na dahilan.

Sa kabila ng direktibang ito, igiinit ng Teachers’ Dignity Coalition o TDC na may mga opisyal ng paaralan na required ang physical reporting sa kabila nito. May listahan daw sila ng mga paaralan na nagpapa-physical reporting na isinumite sa tanggapan ni DepEd Secretary Leonor Briones for validation. Nanawagan silang maging istrikto sana ang kagawaran sa pagpapatupad ng WFH scheme.

“This pandemic is a serious threat to life and safety of our teachers, thus, the DepEd should take this seriously as well, saad nila.

Inaasahan ang pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 24, 2020 sa pamamagitan ng blended learning approach.

Loading…