Xander Ford inaming miyembro siya ng LGBTQ community

Imahe mula sa Instagram account ni Xander Ford
  • Xander Ford lumantad bilang isang miyembro ng LGBTQ community
  • Sa isang Instagram post ipinahayag niya na isa siyang bisexual
  • Hindi naman daw isang krimen ang pagiging member ng LGBTQ

Umamin si Xander Ford, kilala dati bilang si Marlou Arizala na miyembro ng Hasht5 boy band parody group, na bahagi siya ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community.

Imahe mula sa Instagram account ni Xander Ford

Sa isang Instagram story, sinabi ni Xander Ford na isa siyang bisexual – isang tao, sa pinakasimpleng kahulugan, na naaakit sa babae at lalaki.

“I am part of LGBTQ #bisexual,” post niya sa Instagram na may kasamang larawan ng bahaghari o rainbow na kilala bilang simbolo ng LGBTQ pride.

Sa isa namang video na ipinost niya rin sa Instagram, makikita siya na kumakanta ng “Can’t Help Falling in Love” ni Elvis Presley kasama ang ilang mga kaibigan.

“Thank you tanggap n’yo ako,” ang caption ni Xander sa post.

Sa isa pang Instagram post, sinabi niya na hindi isang krimen ang pagiging bahagi ng LGBTQ.

“Being one of them is not a crime #bisexual,” aniya.

Imahe mula sa Instagram account ni Xander Ford

Marami ang hindi naniniwala na isa ngang miyembro ng LGBTQ community si Xander Ford. Posibleng gumagawa lang daw ito ng ingay upang malihis ang atensyon ng publiko sa kontrobersyang kinasangkutan niya kamakailan lang.

Maaalalang naglabas ng kanyang saloobin  sa social media ang dating girlfriend ni Xander Ford na si Ysah Cabrejas. Ibinahagi nito ang mga pasakit na idinulot ng nobyo noong magkarelasyon pa sila.

Sa pinakahuling balita, sinabing nagsampa na ng kaso ang dalaga laban kay Xander Ford.

Ayon sa ilang netizens, nais daw ni Xander Ford na malihis ang pansin ng mga atao sa naturang isyu kaya raw ito nagpapanggap na miyembro ng LGBTQ community.

Imahe mula sa Instagram account ni Xander Ford

Loading…