Xander Ford ipinakilala ang boyfriend na nagpapaligaya sa kanya ngayon

Screenshot mula sa vlog ni Xander Ford
  • May boyfriend na si Xander Ford
  • Ipinakilala niya ang lalaking nagpapaligaya raw sa kanya ngayon sa kanyang latest vlog
  • Noong una ay nakamaskara pa ang lalaki ngunit sa dakong huli ng video ay ipinakita na nito sa publiko ang kanyang mukha

Ilang araw pa lang ang nakalilipas matapos gumawa ng ingay sa social media ang internet sensation na si Xander Ford nang sabihin niya na isa siyang miyembro ng LGBTQ community bilang bisexual. At ngayon ay may bago na naman siyang pasabog.

Imahe mula sa Instagram account ni Xander Ford

Sa latest niyang vlog ay ipinakilala niya ang lalaking nagpapaligaya raw sa kanya ngayon.

Sa unang bahagi ng video ay nakasuot pa ng maskara ang lalaking nagpatibok umano ng puso ni Xander Ford. Katwiran niya, nahihiya pa siya at nais niyang maging pribado kung ano man ang mayroon silang dalawa.

“I’m with my loved one. Hindi ko siya ipapakita sa inyo kasi medyo nahihiya pa ako. Private po ito, kung anuman ang meron. Siya na ‘yun,” pahayag ni Xander Ford.

May pa-question-and-answer portion pa si Xander para sa followers niya. Inimbitahan pa niya ang dalawang miyembro ng LGBTQ upang basahin ang sampung katanungan mula sa mga netizens.

Sa tanong kung sino ang unang nagkagusto sa isa’t isa, sinabi ng boyfriend ni Xander na siya ang unang nagkaroon ng pagtingin dito.

Isa-isang sinagot ng dalawa ang mga tanong mula sa followers, kabilang na ang tanong kung paano siya naging isang bisexual.

Screenshot mula sa vlog ni Xander Ford

“Straight po talaga ako. Talagang hindi po ako naa-attract sa lalaki. Nito lang, parang ngayon ko lang na-realize na eto, may naramdaman akong ganito, parang na-develop ako sa kapwa ko lalaki. Kung sinasabi nila sa akin kung paano ako naging bisexual, kasi po ang bisexual ay nagkakagusto sa babae at nagkakagusto sa lalaki,” paliwanag niya.

Kung tunay na nagmamahalan silang dalawa, bakit kailangang naka-maskara pa ang boyfriend ni Xander, tanong ng dalawang kaibigan nila.

Dito na inalis ng lalaki ang suot na maskara at buong tapang na ipinakita sa madla ang kanyang mukha.

Panoorin ang buong video:

Loading…