Yorme nakiusap sa publiko na huwag magbigay ng pera sa mga namamalimos sa Maynila

Imahe mula sa Saksi Ngayon
  • Mayor Isko Moreno hinikayat ang publiko na huwag magbibigay ng limos sa mga street dwellers
  • Sa halip na ilimos, sa pamahalaang panglungsod na lang daw ibigay ang pera na tiyak na mapapakinabangan ng mga tunay na nangangailangan
  • Nagsagawa ang mga awtoridad ng operasyon upang sagipin ang mga street dwellers sa Maynila
  • Karamihan sa mga sinagip na homeless ay nakainom at may tama mula sa bawal na substance

Hinimok ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga motorista at mga Good Samaritans na huwag nang magbibigay sa mga namamalimos na sa kalsada naninirahan.

Imahe mula sa Saksi Ngayon

Maganda man ang layunin ng mga taong nagbibigay ng limos, sinabi ng alkalde na karamihan sa mga street dwellers na makikitang namamalimos ay ginagamit sa hindi magandang bagay ang perang napaglimusan.

Sinabi ito ni Yorme matapos ang dalawang gabing operasyon na isinagawa ng pinagsanib na Manila Police District (MPD) sa ilalim ni P/Gen. Rolando Miranda at ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) na pinangunahan ni Re Fugoso, upang sagipin ang mga homeless.

Nadiskubre na karamihan sa 700 street dwellers na na-rescue, kung hindi nakainom ay may tama naman sa ipinagbabawal na substance . Hindi man nila naaktuhan sa ilegal na gawain, nakakuha ang mga operatiba ng mga paraphernalia.

Aniya, maganda ang ginagawa ng namimigay ngunit hindi umano ito nagdudulot ng mabuting resulta sa pangmahabaan. Sa maling bagay lamang ito nagagastos.

Imahe mula sa Manila PIO

Hinikayat niya ang publiko na sa halip na ibigay sa pulubi ang pera ay sa pamahalaang panglusod na lang iyon ibigay.

“Hayaan n’yong igiya ko kayo.  Dahin n’yo sa gobyerno ng Maynila and we will make sure na ang inyong kabutihang-loob ay makukuha ng mga tunay na nangangailangan. Minsan kasi, ang kabaitan n’yo ay siya namang pagsasamantalahan na ‘di naman nakabubuti para sa kanya,”  sabi ni mayor.

Ayon kay Mayor Isko, noong nagsimula ang pagpapatupad ng community quarantine ay agad nilang dinala sa ligtas na pasilidad ang mga street dwellers, ngunit marami umano sa mga ito ang tumakas at bumalik sa mga lansangan.

Imahe mula sa Manila PIO
Source :

Journal, Tribune

Loading…