¥50-B loan ng JICA sa ‘Pinas para sa COVID response na-release na

Imahe mula sa JICA
  • Natanggap na ng Pilipinas ang hiniling nitong ¥50-B (P22.85-B) loan mula sa JICA
  • Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na nakatanggap ng “Emergency Support Japanese Official Development Assistance (ODA) Loan for COVID-19” ng JICA
  • Nangako rin ang JICA na patuloy ang suporta nito sa Pilipinas para muling pasiglahin ang ekonomiya

Na-release na nitong Biyernes ang ¥50-bilyon (P22.85-B) na ipinautang ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa Pilipinas sa ilalim ng Covid-19 Crisis Response Emergency Support Loan (CCRESL) upang makaagapay ang bansa sa pagsugpo nito sa umiiral na pandemiya.

Noong Hulyo 1 lang nilagdaan nina JICA Chief Representative Eigo Azukizawa at Finance Secretary Carlos Dominguez III ang nasabing loan na maaaring bayaran ng Pilipinas sa loob ng 15 taon at mayroon pang apat na taong grace period.

Imahe mula sa PNA

“JICA stands with the Filipinos in this time of Bayanihan. We admire the tireless effort and the leadership shown by the Philippine Government to tackle the unprecedented challenges posed by the spread of COVID-19,” pahayag ni Azukizawa sa ginawang disbursement ng loan.

Ang Pilipinas umano ang kauna-unahang recipient ng “Emergency Support Japanese Official Development Assistance (ODA) Loan for COVID-19” ng JICA at unang bansa rin na nadisburse ang pondo.

Imahe mula sa JICA-Facebook

“We will continue to explore new and innovative ways to deliver our development cooperation program in response to the Philippines’ immediate needs and consistent with our mandate to promote inclusive and sustainable growth and a better quality of life for all,” patuloy pa ng opisyal ng JICA.

Ang CCRESL ay co-financed ng Asian Development Bank at iba pang development partners.

Maliban sa pinansiyal na suporta, nangako rin ang JICA na patuloy na tutulong sa gobyerno ng Pilipinas para muling pasiglahin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa maraming Pilipino bilang suporta sa programang Build, Build, Build.

Loading…